" Out of town? You mean madalas kayo magkasama nung Brix na yun out of town?! " kunot noo at tila may lalabas ng usok sa ilong nyang tanong saken. Problema ba nito kay Brix?! Di ko talaga sila ma-gets!
"Oo, madalas. At saka anu naman? We've known each other for so long. Tiwala na ako sa kanya, pati na din si Lyka. Saka bakit nga ba kailangan pati mga ganitong commitments ko irereport ko sayo? FYI. Wala yun sa contract naten."
"Where exactly are you going?" he asked me again completely ignoring my rants.
" I have a photoshoot in Tagaytay-- my gosh Renz! What are you doing!" di ko na natapos ang dapat sanang sasabihin ko dahil nagulat ako ng bigla nyang paandarin ang sasakyan.
" We're going to Tagaytay then." di nako sumagot pa. Idinaan ko na lang sa pag irap ang lahat ng inis na nararamdaman ko. Alam ko din namang di ako mananalo sa kanya. Tinawagan ko na lang si Brix to explain everything para di na din sya mag effort pa.
It took almost 4 hours bago kami makarating sa hotel na bi-nook ni Lyka for me and Brix. Natagalan kame dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan at kinailangan namin tumigil tigil panandalian at magpalipas dahil delikado.
" I'm really sure Miss na dalawang room ang nakabook under my name." naiinis kong sabi sa receptionist. Kanina pa nila sinasabi na isang room lang daw. Laging dalawa ang binubook ni Lyks samen ni Brix kada ganitong out of town ko at di sya ang nakapaghatid. Pag may commitment kase ako out of town mas preferred namin mauna ng isang araw from the date of shoot dahil nga ayokong nale-late. Thats how professional and dedicated I am.
" I'm sorry Ma'am for the inconvenience. Pero isa lang po talaga ang lumalabas dito sa system namin." paliwanag ulit nung receptionist. Kundi lang dead batt ang phone ko kanina ko pa tinawagan si Lyka.
" Fine. Mag avail pa kame ng another room." di nako nakipagtalo pa. Pagod at gutom nako sa totoo lang.
" I'm sorry again Ma'am pero fully booked napo kase kami. Wala napo available na room." hinging pasensya na naman nila saken. Pero parang mas lalo ako naiinis kada hingi nila ng pasensya!
" Then we'll just find another ho-"
" We'll take the room. Lets go babe. We can just share the room, tutal dun din naman bagsak naten once we're married. Excuse us ladies." biglang singit ni Renz. Kinindatan nya pa yung tatlong babae sa reception kaya tila impit na impit ang kilig ng mga bruha. Nagniningning pa yung mga mata nila habang inaabot yung susi ng kwarto ko kay Renz. Di nako nakapagreklamo pa ng hawakan nya ang kamay ko at hilahin ako papunta sa kwarto namin. I dont wanna make a scene. Mamaya nyan may makakilala pa kay Renz at madawit pako sa eskandalo. Kanina ko pa kase naririnig bulungan nung tatlong receptionist na parang pamilyar nga daw si Renz.
" Why are you deciding without even consulting me? What if namukhaan ka ng mga yun? Edi nadawit na naman sa eskandalo ang nerd side ko. Nakakainis ka Renz! At sinong may sabing payag akong matulog sa isang kwarto kasama mo aber?!" patutsada ko kagad sa kanya pagkapasok na pagkapasok palang namin ng kwarto. Kanina pako nagtitimpi sa mokong nato eh. Quotang quota na sya saken ngayong araw na to.
" We dont have a choice. Malakas ang ulan at isa pa alam kong pagod kana. And so do I." malamig nyang tugon saken. So balik na naman sya sa ganyan nya? Samantalang kanina pa-babe babe pa sya saken. Tindi din ng mood swings netong lalaking to eh.
Di na nya inantay pang sumagot ako. Dumerecho na sya sa banyo to freshen up. Mabuti nalang at lagi ako may dalang extra clothes at least may pamalit ako. Ganun din naman sya. May mga extra din syang damit sa sasakyan nya. Ganun nga yata talaga buhay ng mga modelo.
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 20 : Grumpy
Start from the beginning
