Nilingon ko si Geean at pinandilatan ng mata. "Tara, Gee, pahatid tayo."

Napadilat siya at umiling, "Hindi na, uy. Nakakahiya kay doc."

"Sabay siya, babe, ha?"

Ngumisi lang si Storm knowing what my game is. "Sure. No problem. Mukhang matatagalan pa bago humupa 'yung ulan."

Hinila ko na si Geean patungo sa naghihintay na sasakyan ni Storm sa may pababang parte ng hospital.

Alam kong nahihiya si Geean kaya pimagbuksan ko siya ng pinto sa likod. Si Storm naman ang umalalay sa akin paloob ng sasakyan. Ingat na ingst pa na hindi ako mauntog at hindi mabasa ng ulan.

As if mauuntog ako sa liit kong ito.

Once we settled inside, tinanong ni Storm kung saan ihahatid si Geean. She rattled out where she lives while Storm inputs it on his gps.

Hindi siya nagsalita. Instead, he held my hand and settle it on his lap while he drives. Nakinig na lang siya sa pinag-uusapan ni Gee sa nagdaan na shift namin.

Matalim niya akong tiningnan nang mabanggit namin indirectly na hindi kami nakapag-dinner ng maayos kanina. Toxic kasi ang duty since may isang wala sa amin at may sakit.

I only smiled at him. Lagot na naman ako dito. He gets pissed when I don't eat right on time. As if naman hindi kasama 'yung job hazards bilang isang healthcare worker.

Nang maihatid na namin si Geean, agad nagsalita si Storm, "What do you want to eat?"

Tatanggihan ko sana siya at sa bahay na lang kakain pero right at that moment, biglang kumalam ang tiyan ko.

"Napakatigas ng ulo," bulong niya bago lumiko sa isang drive-thru.

Hindi na niya ako tinanong, basta nag-order na lang siya para sa aming dalawa. Hindi naman ako magrereklamo dahil kinuha naman niya ang gusto ko.

It only took another ten minutes for the rain to stop. Ang tanging problema lang pagkarating namin sa daan na tatahakin namin pauwi, parang naka-park na lang ang mga sasakyan kasi walang galawan.

'Yun pala, lubog sa mataas na baha ang highway. Storm sighed in defeat at panay ang tingin sa orasan.

"On-call ka?"

Umiling lang uli siya. Ang weird. He's not talkative per se, but he answers. Pero ngayon, parang may hinihintay siya.

I leaned my seat lower and settled myself inba comfortable position. Mukhang matatagalan kami dito.

He actually looks anxious and worried that it starts to worry me, too. Kinuha niya ang pagkain na binili namin at pinagbubuksan 'yun para ipakain sa akin.

"Eat, Lacy. Ilang oras ka nang walang kain."

"Ano ba problema, Storm? You're making me nervous. Bakit parang hindi ka mapakali?"

Right after I ask that, sunud-sunod ang naging pag-iingay ng notification sa phone ko.

It's 12 midnight. Ang ingay ng mga babaeng hindi ko sigurado kung bakit ko naging kaibigan pero mahal na mahal ko. Kanya-kanya sila greet at tanong kung ano regalo ni Storm sa akin.

Well, wala. Hindi ko nga alam kung tanda niyang birthday ko ngayon. And that thought makes me sad.

Maya-maya napalingon ako sa kanya nang isara niya ang pinto niya. Hindi ko namalayan na lumabas pala siya. Napaawang ang bibig ko nang makitang may dala siyang isang bouquet ng white lillies – my favorite.

"Happy birthday, my lady," inabot niya sa akin ito at ngumiti.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko pero agad siyang umiwas ng tingin. Humawak siya sa batok niya na tila nagpipigil sa kung anumang gagawin niya.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now