Love Beyond Revenge: 35

764 63 24
                                    

Hey, Lovies! ❤️

So sorry for the long wait. 🙏🏻🤧

I've been busy these past few weeks due to personal matters. But now that I am back, I will try my very best to update 2-4 chapters every week until the Finalé.

Okiedokie? 😉

Anyways, happy reading and thank you sa patuloy na paghihintay ng kwento nina Micah at Noah! 💋💋💋


*****


Continuation:

HINDI pa man tuluyang nakakaparada ang tricycle na sinasakyan ni Michaella ay maagap na siyang bumaba rito.

"Ito po ang bayad ko, Mano..."

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang may nagsalita sa kanyang likuran.

"Where have you been, Micah?!"

Mabilis pa sa alas-kwartong napabaling siya roon at nabungaran niya ang hindi maipintang mukha ni Noah. Maagap niyang nakagat ang kanyang pang-ibabang labi dahil hindi niya alam ang isasagot dito.

"Saan ka galing at bakit ganyan ang itsura mo?" anito nang tuluyan siyang malapitan.

Mabilis namang sinuri ni Michaella ang kanyang sarili at nabatid niya ang putikan niyang pantalon at sapatos— isama mo pa ang gulo-gulo't basa niyang buhok.

"Where the hēll have you been?!"

"I was just..."

Naputol muli ang kanyang sasabihin nang makitang hinubad ni Noah ang suot nitong denim jacket.

"Wear this..." anito at maagap na ipinatong sa kanyang balikat.

"Mayroon akong sariling jacket," apila niya.

"Don't your dare take off that jacket!" singhal nito.

Para namang natameme si Michaella sa singhal nito at mas piniling h'wag nang kumibo. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago narinig ang hiyawan sa hindi kalayuan.

"Noah! Noah!" sabay-sabay na sambit ng mga ito kasunod ang nakakabinging tilian.

Maagap napukaw ang kanilang atensyon sa grupo ng mga binabae't kababaihan, na ngayon ay papalapit na sa kanila. Dagling napaatras si Michaella dahil sa agarang pagdagsa at tulakan ng mga ito upang palibutan si Noah.

Siksikan at kanya-kanya ang mga ito sa pagkuha ng litrato, pagyakap sa binata't nagpapapirma ng iba't ibang klase ng papel, notebook, magazine at poster sa kanilang iniidolo.

Unti-unti namang humakbang paatras si Michaella nang makitang abala na ang seryosong si Noah sa ginagawa nito. Nagpatuloy lamang siya sa pag-atras, at nang saktong pagharap ay lingid sa kanyang kaalaman na matatalisod na siya sa unang baitang ng hagdan ng hotel— kaya't walang kamalay-malay siyang natumba roon.

"Aray!" sigaw ni Michaella nang maramdaman ang paglagapak ng kanyang mga tuhod sa hagdanan.

Sa hindi sinasadyang pangyayaring iyon ay nakuha niya ang atensyon ng madla. Kaya naman ngayon ay nakatutok na sa kanya ang paningin ng mga ito— kabilang na si Noah.

"Maam, ayos lang po kayo?" wika ng guwardiyang umalalay sa kanya.

"O-Okay lang po ako," aniya at mabilis na napaupo sa hagdan habang iniinda ang sakit ng kanyang mga tuhod.

Love Beyond Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon