Love Beyond Revenge: 22

691 55 19
                                    

"Mahal, naka-full charge ba ang cell phone mo?" Pagtatanong ni Noah.

"Yes, Mahal..."

"Hmmm... Iyong gamot mo sa allergy, nadala mo ba?"

"Opo, Mahal," wika ni Michaella habang abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

"Ito ang payong," ani Noah bago ito dagling isinilid sa kanyang bag. "H'wag mong kakalimutang gamitin 'yan lalo pa't tututok ka sa sikat ng araw. Mahirap na, baka maulit 'yung pagkairita ng balat mo."

"Okay po, Mahal. Salamat," aniya nang hindi pa rin ito binabalingan.

"Ay! Itong inhaler mo pala— mabuti na lang at hindi ko nakalimutan. Kapag hinahapo ka, mag-take ka agad nito, okay?"

Doon na tuluyang naagaw ang atensyon ni Michaella. Napansin niya na hindi simpleng bilin lang ang ginagawa nito sa kanya. Mukhang may gusto itong patungkulan kaya't dagli niya itong hinarap.

"Mahal..." simpleng sambit Michaella habang mataman lang itong tiningnan.

Sa tono ng boses ng dalaga ay agad namang napanguso si Noah bago ito napahawak sa batok na animo'y nahihiya.

"Mahal naman... 'di ba nag-usap na tayo tungkol dito? Kasama ko naman si Ate Flore, gaya noong nakaraang linggo noong mag-audition ako sa L.E. Philippines."

"Kasi naman nag-aalala talaga ako sa'yo, Mahal. Gusto talaga kitang samahan— hindi na nga ako nakasama noong nakaraan sa audition mo. Tapos ngayon?" wika ni Noah bago napabuntong-hininga. "Kung bakit ba naman kasi saktong nagpatawag ng gawa ngayon sa construction. Hindi tuloy ako makakasama." Malungkot na pahabol pa nito.

Nakaramdam naman ng awa si Michaella sa kanyang kasintahan. Totoo naman ang sinabi nito, nagkasundo sila na sasamahan siya ni Noah sa nakatalaga niyang screening. Ngunit ang siste ay isa ang binata sa napili ng kanilang foreman upang maging regular sa construction ng itinatayong condominium.

Dagli naman itong tinabihan ni Michaella. "Mahal, gustong-gusto ko na makasama ka. Ikaw kaya ang nagpapalakas ng loob ko. Kaya lang hindi ba't mas kailangan natin 'yung trabaho mo ngayon— kailangan nating makaipon uli ng pera dahil nasaid ang ipon natin sa pagtulong sa mga bata sa San Lorenzo?"

Dahan-dahan namang pinagsalikop ni Noah ang kanilang mga kamay sabay sabing, "Alam ko naman 'yon, Mahal. Kaya lang, gusto kitang suportahan sa bagay na ginagawa mo— gaya na lang ng pagsuporta mo sa akin. Ayoko namang isipin at maramdaman mo na wala na akong oras sa'yo." nakanguso nitong sambit habang nilalaro ang kamay ng dalaga.

"Mahal, kahit hindi mo na sabihin. Ramdam ko naman ang all out support at pagmamahal mo sa akin. Kailangan lang talaga nating mag-sacrifice sa ngayon para sa future nating dalawa," ani Michaella habang hinuhuli ang paningin nito. "At saka mabilis lang kami roon sabi ni Ate Flore— hindi na gaya noong nakaraang linggo na libo-libong tao ang nakapila."

Nang sandaling makuha niya ang atensyon nito ay sinalubong lang niya si Noah nang isang mabilis na halik sa labi.

"Ipagluluto kita mamaya ng paborito mong adobo sa gata." Ngisi niya rito.

Napapailing na inakbayan na lang siya ni Noah sabay sabing, "H'wag ka nang mag-abala, Mahal. Hindi ka naman sanay sa gawaing bahay."

"Minamaliit mo na naman ang powers ko," nakangusong saad ni Michaella.

"Hindi naman sa gano'n. Natatakot lang ako, na baka pag-uwi ko wala na akong bahay na uuwian," anito at dagling nagpakawala nang malulutong na halakhak.

"Ah, gano'n, ha!" Mabilis naman itong nakatanggap ng sunod-sunod na kurot sa tagiliran. "Ano'ng tingin mo sa akin pabayang tao— para masunog itong bahay?"

Love Beyond Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon