Love Beyond Revenge: 2

2.2K 117 31
                                    

Matapos sa kanyang dalawang klase ay dumiretso na si Michaella sa kanyang paboritong subject— walang iba kun'di ang Physics. Hindi ang nasabing paksa ang kanyang kinasasabikan, kun'di ang oras kung saan makakasama't makakatabi niya ang kanyang ultimate crush na si Noah.

Bago pa man tuluyang pumasok sa kanyang klase ay dumaan muna si Michaella sa comfort room para mag-freshen up. May natural na kagandahang taglay ang dalaga na kahit hindi na ito maglagay ng kahit anumang kolorete sa mukha ay lumalabas ito ng kusa't walang pagsisikap.

Hindi mawari ni Michaella kung bakit sa unang pagkakataon ay naisip niyang ayusin ang kanyang sarili para lamang sa oras na iyon.

Marahan niyang pinahiran ng manipis na patong ng pulbo ang kanyang mukha, bago naglagay ng konting lip gloss sa labi upang mas maging kaaya-aya itong tingnan. Hindi na siya nag-abalang maglagay ng blush-on, dahil sa sikat pa lang ng araw ay kusa ng namumula ang kanyang balat kasama na ang kanyang mga pisngi— na animo'y sagana sa dugo kung mamula.

Matapos mag-ayos ng kanyang sarili ay nagwisik ng kaunting pabango si Michaella, at saka muling tiningnan ang kanyang repleksyon sa salamin.

"Perfect!" aniya bago tuluyanf lumabas ng comfort room bitbit ang kanyang kaaya-ayang killer smile.

"Hi, Michaella!" Bati ng mga estudyanteng kanyang nadadaanan.

"Hello..." nakangiting sagot naman niya sa mga ito.

Hindi lang dahil sa kagandahan, kayamanan at koneksiyon naging kilala sa buong San Lorenzo si Michaella. Minamahal din ito ng mga tao dahil sa kanyang kabutihan at busilak na puso.

Marami ng natulungan ang dalaga dahil sa isang pundasyon na kanyang itinayo para sa mga kabataan. Ang Support the Future Foundation ay isang organisasyon na nakatuon sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga kabataang may pangangailangan— tulad ng medikal, dental, mental na kalusugan, o serbisyong pang-edukasyon. Kung saan ang iba pang mga mapagkukunan ay hindi sapat o walang kakayanan.

Tatlong taon ng tumatakbo ang nasabing organisasyon— marami ng kabataan ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagmamahal ni Michaella sa mga ito. Dahil na rin siguro sa kawalan ng matatawag niyang sariling kapatid, kaya't mas pursigido ang dalaga na ipagpatuloy ang kanyang layunin na makatulong sa ibang tao.

Bago tuluyang pumasok sa pintuan ay humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga si Michaella at saka ito ibinuga sa hangin. Taas noo siyang pumasok sa kanyang klase at sing-bilis ng kidlat niyang nasilayan si Noah na ngayon ay abala sa binabasa nitong libro.

Saktong paling niya sa direksyon ng kanyang upuan ay siya namang pagharang ng kanyang kaklaseng si Timothy— isa sa varsity player ng Bayfield Academy Golden Eagles.

"Hi, Babe..." nakangising bungad nito.

Kahit may itinatagong kainisan dahil sa kahambugan nito ay maayos pa rin itong hinarap ng dalaga.

"Timothy." kaswal niyang sagot at tinangkang lampasan ito upang magpatuloy sa kanyang paglalakad.

Ngunit bago pa man makahakbang ay hindi siya pinahintulutan ng binata. "What's with the hurry, babe? Dito ka muna— usap muna tayo." Malokong saad pa nito at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay bago ito hinimas-himas.

Maagap naman itong binawi ni Michaella sabay sabing, "Pwede ba... I'm not in the mood to deal you, Timothy" may inis niyang sambit dito.

"So, ibig sabihin kung nasa mood ka— pwede na tayong... You know," malokong wika pa ng binata, bago siya hinagod nang tingin na animo'y hinuhubaran.

Love Beyond Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon