Love Beyond Revenge: 15

1.7K 111 30
                                    

Continuation:

Dahan-dahan namang inangat ni Michaella ang kanyang mukha sa pagkakalugmok— bago binalingan ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Lalo naman siyang naluha nang makita ang nag-aalalang mukha ng kanyang kaibigang si Luna.

"Baks! Sinasabi ko na nga ba— dito kita matatagpuan, e." anito bago tuluyang umupo sa tabi ng dalaga.

"B-Baks..." umiiyak na sambit ni Michaella at saka yumakap dito nang sobrang higpit.

"A-Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" Puno nang pag-aalalang sambit nito habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Luna... si Noah. Hindi ko alam kung nasaan si Noah."

"P-Papaanong hindi mo alam? 'Di ba magkasama lang kayo kahapon?"

Dagli namang humiwalay rito si Michaella bago pinalis ang kanyang mga luha. "Baks, simula noong makauwi ako hindi na siya ulit nagparamdam. Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Daddy kaya nangyayaring ito— dahil pilit na naman niya kaming pinaglalapit ni Nathan."

"Geez!" gulat na saad ni Luna. "Paano na si Noah?"

Lumuluhang napapailing na lang si Michaella dahil ayaw niyang isipin ang posibilidad na baka nga nakarating na sa kanyang Ama ang tungkol sa relasyon nila ni Noah— mas worst ay nagawan na ito nang masama kaya hindi na niya mahagilap ang binata.

"Tulungan mo ako, Baks. Puntahan natin si Noah, please."

"Tara, puntahan na natin si Noah sa bahay nila. Para malaman natin ang lagay niya." Suhestiyon ni Luna.

Wala namang pinalagpas na sandali si Michaella at maagap na sumunod sa kanyang kaibigan. Sa halip na dumaan sa harap ng Bayfield Academy ay mas pinili ng dalawang dalaga na dumaan sa likod ng campus— upang makatakas sa mga galamay ni Mayor na palihim na umaaligid lang sa labas ng eskwelahan.

Dahil wala pa ang sundo ni Luna ay napagkasunduan nila na sumakay na lamang ng jeep. Dagli namang pinahiram ni Luna ng sumbrero si Michaella upang maitago kahit papaano ang pagkakakilanlan nito sa madla.

Makalipas ang halos kalahating oras ay narating na ng magkaibigan ang terminal ng tricycle.

"Manong, sa Baryo Trigo po," ani Luna at saka sila dali-daling sumakay roon.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang tuluyan na nilang narating ang harap ng tahanan ng mga Sandoval.

"Tao po, tao po..." tawag ni Luna habang nakahawak sa bakod na yari sa kahoy.

Hindi maiwasang kabahan ni Michaella dahil mukhang walang tao sa bahay ng mga Sandoval. Ilang pagtawag pa ang kanilang ginawa bago tuluyang napukaw ang kanilang atensyon sa babaeng lumabas sa katabi nitong bakuran.

"Micah?" Gulat na sambit ni Kathy na siyang kababata ni Noah.

"Kathy, alam mo ba kung nasaan sina Nanay Mirna at Noah?" Pagtatanong ni Michaella.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari?"

Sa halip na sumagot ay tanging pag-iling lang ang iginawad ni Michaella rito.

"Nag-alsa balutan sina Inay Mirna at Noah, kagabi."

"What?" Nanlamig naman ang buong katawan ni Michaella sa kanyang narinig at naramdaman na lang ang biglang paghaplos ni Luna sa kanyang likuran.

Dagli namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kathy— nang madilim na awra. "Alam mo ang dahilan kung bakit nangyari ang bagay na ito, Micah." Hindi isang tanong, kundi isang patukoy na sambit nito.

Love Beyond Revenge (On-going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat