Love Beyond Revenge: 5

1.9K 118 60
                                    

Kinabukasan ay masayang pumasok si Michaella sa subject niyang Physics. Hindi naman niya paborito ang paksang iyon, ngunit dahil kaklase niya rito si Noah ay araw-araw siyang nasasabik at naging interesado sa klase ni Mr. Crisostomo, kahit pa boring ang pamamaraan ng pagtututo nito.

"Good morning!" Masigla niyang bungad sa klase at agad hinagilap ng kanyang mga mata si Noah. Nakita niya na tahimik lang itong nakaupo sa bandang likuran, kaya sabik niya itong nilapitan.

"Hi, Noah!" Nakangiti niyang turan at saka mabilis na umupo sa kanyang upuan.

Walang gana siyang binalingan ng binata, bago muling itinuon ang atensyon sa binabasa nitong libro.

Nangunot naman ang noo ni Michaella sa biglang panlalamig nito sa kanya. Parang kahapon lang ay masaya silang nagku-kwentuhan bago siya maihatid nito pauwi sa mansyon— ngunit ngayo'y tila nagbago na naman ang ihip ng hangin, na parang walang pagkakaibigan na umusbong kahapon sa pag-uusap nila.

"Noah, may problema ba tayo?" Muli niyang pagtatanong dito ngunit nananatiling tikom ang bibig ng binata.

Bagsak ang balikat na ipinihit na lang ni Michaella ang kanyang katawan sa sarili niyang upuan. Ayaw naman niyang magmukhang desperada, na uhaw sa atensyon sa paningin ng ibang tao, kaya't minabuti na lang niyang kunin ang kanyang libro para magbasa na rin ng kanilang aralin sa araw na iyon.

Nagsimula na ang klase ngunit nakakulong pa rin ang isipan ni Michaella sa pangde-deadma sa kanya ng binata. Hindi niya makuha ang ugali na meron ito. Ibang-iba ang Noah na nakasalamuha niya kahapon. Pala-kwento't pala-ngiti ito kumpara sa Noah na katabi niya ngayon— na para siyang invisible kung ituring nito.

"Bakit kaya bumalik na naman ang panlalamig niya sa'kin? Ayos naman kami kahapon— inamin pa nga niya sa akin na siya ang nakapulot ng diary ko, pero mabilis niyang itinanggi na binasa niya ang nilalaman nito dahil pribadong pag-aari ko raw iyon. Actually, ang sweet nga niya sa'kin. Nag-offer pa siya na dalhin ang bag at mga libro ko dahil ayaw raw niyang nahihirapan ako. Pero bakit ngayon, ang cold na naman sa akin ng lalaking ito?" Mga tanong na naglalaro sa lumilipad na kaisipan ni Michaella.

Mabilis namang nagulantang ang kanyang malalim na pag-iisip nang marinig ang pagsambit ni Mr. Crisostomo sa kanyang apelyido.

"Ms. Cervantes!" Bulyaw nito upang makuha ang kanyang atensyon.

"S-Sir?" Nauutal niyang saad bago dali-daling tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Halatang hindi ka nakikinig sa klase ko Ms. Cervantes!" Istriktong sambit nito, at saka humalukipkip ang mga braso.

"I-I apologize for my absence of mind, sir," aniya bago napayuko dahil sa kahihiyan.

"There's no room for apologizing in my class, Ms. Cervantes. You're here to learn, not to just playing around." Maawtoridad nitong anas habang magkasalubong ang mga kilay.

"I'm sorry, sir..." Muli niyang paghingi ng despensa sa kanyang guro.

"Well, I am not— You can only sit, if you could answer my question," wika ni Mr. Crisostomo habang seryosong nakatingin sa dalaga. "So what does Kinematics means?" Panggugulat na tanong nito.

Mariin namang napapikit si Michaella sa kanyang narinig at inalala ang kanyang mga nabasa sa libro kanina.

"Kinematics is the branch of mechanics concerned with the motions of objects without being concerned with the forces that cause the motion, Sir," aniya bago tuluyang idinilat ang kanyang mga mata.

"And what are the three basic concepts in Kinematics?" Muling pagtatanong nito sa dalaga.

"The speed, velocity and acceleration, Sir."

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now