Love Beyond Revenge: 14

1.5K 115 48
                                    

Kinabukasan ay matamlay na bumangon si Michaella sa kanyang kama. Tamad niyang hinagilap ang kanyang cell phone sa nightstand, sa pagbabaka-sakaling may bumungad na mensahe siyang natanggap mula kay Noah.

Bagsak ang balikat at muli na namang nanikip ang kanyang dibdib dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam. Simula nang maging sila, ni minsan ay hindi ito nagmintis sa pagpapadala sa kanya ng morning messages at mga paalala kung gaano siya nito kamahal— kaya naman binabalutan na naman ngayon ng kalungkutan ang kanyang kalooban.

"N-Noah..." naluluha niyang sambit bago niyakap ang kanyang mga tuhod sa sobrang pangungulila't pagkabalisa.

Tahimik na kumakain ng agahan si Michaella kasalo ang kanyang mga magulang sa hapag. Panaka-naka niyang sinisilayan ang itsura't galaw ng kanyang Ama, upang pakiramdaman kung may kakaiba ba sa ikinikilos nito ngayon— ngunit prenteng nakasandal lang ito sa kanyang puwesto habang nagbabasa ng diyaryo. Kaya naman bigo siyang makakalap ng impormasyon dahil sa tipikal nitong gawain.

Napabuga na lamang siya ng isang mahignapis na buntong-hininga. "Mom, D-Dad, alis na po ako." Pamamaalam niya bago humalik sa pisngi ng kanyang mga magulang.

Ngunit bago pa man tuluyang makaalis ay narinig niya ang biglang pagtikhim ng kanyang Ama sabay sabing, "Michaella..." baritonong sambit nito kaya't mabilis napabaling ang atensyon ng dalaga rito.

"Yes, Dad?"

"I called Nathan. Simula ngayon, siya na ang maghahatid-sundo sa 'yo para mabantayan kang maigi. Hindi kung kani-kanino ka nakikipaghalubilong bata ka." Makahulugang sambit ni Mauricio ngunit nananatili ang atensyon sa binabasa nitong diyaryo.

Nalukot naman ang mukha ni Michaella sa kanyang narinig. "Dad! B-Bakit kailangan niyo pa pong abalahin si Nathan? Ayos na naman po ako kay Mang Jun—"

"Sinisante ko na ang driver mo!" Maagap na sagot nito.

"What?" Gulat niyang sambit. "Bakit niyo naman po sinisante si Mang Jun. Maayos naman po ang serbisyo no'ng tao sa paghatid-sundo sa akin at pati na sa inyo." Katwiran niya rito.

Matalim siyang tiningnan ng kanyang Ama. "Hindi sapat ang maayos lang, Michaella!" bulyaw nito at pabalang na inilapag ang diyaryo sa lamesa. "Sa isang trabaho kailangan din ng buong katapatan— na hindi ko nakuha sa pabaya mong driver na si Jun!"

Kuyom ang kamaong nagpipigil ng galit si Michaella dahil alam niya ang nais mangyari ng kanyang Ama. Ipipilit na naman nito na mapalapit sila ni Nathan sa isang imposibleng relasyon.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Michaella?" Maawtoridad na anas pa ni Mauricio.

Ayaw nang makipagtalo pa ni Michaella dahil alam niya na hindi naman siya mananalo sa kahit anumang argumento— lalo na kapag ang kanyang Ama na ang nagdesisyon sa isang bagay.

"Yes, Dad..." naluluha niyang sambit bago nakayuko.

Nasa ganoong pagtatalo ang mag-Ama nang biglang bumungad si Nathan sa kusina. "Good morning!" Nakangiting bati nito.

"G-Good morning, hijo... nag-breakfast ka na ba?" Bungad naman ni Miranda para pahupain ang tensyon na namagitan sa kanyang mag-Ama.

Mabilis namang bumeso rito si Nathan sabay sabing, "I already ate my breakfast, Tita. Susunduin ko lang po si Micah," anito bago binalingan ang dalaga. "Good morning, baby. Ready ka na?"

Dagli namang nag-angat ng tingin si Michaella at sinalubong lang ito ng isang pekeng ngiti.

"Ready na siya, hijo. Tuwang-tuwa nga iyang Anak ko nang malaman na ikaw na ang maghahatid-sundo sa kanya sa eskwelahan. 'di ba, Micah?" ani Mauricio.

Love Beyond Revenge (On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ