Love Beyond Revenge: 7

1.5K 115 58
                                    

Continuation:

Nanggagalaiting pumasok sa isang pampublikong banyo si Michaella upang maglabas ng sama ng loob.

"Argh! The nerve of that woman! Nakakainis!" aniya habang nakaharap sa salamin.

Kitang-kita ni Michaella kung paano nangulubot ang kanyang noo sa sobrang inis— at dahil na rin sa isang damdamin na pilit ipinagkakaila.

"No! I'm not jealous! I can't be jealous! Bakit naman ako magseselos sa babaeng 'yon," nagtatangis ang pangang anas pa niya upang makumbinsi ang kanyang sarili.

Mariing napapikit na lamang si Michaella upang pakalmahin ang nanggagalaiti niyang kalooban.

"Shoot! Nagseselos nga ako. Pero wala akong magawa..." bigla niyang pag-amin sa kanyang repleksyon sa salamin.

Nanlulumong naghugas na lamang ng kanyang kamay si Michaella at saka bahagyang inayos ang nakapusod niyang buhok. Hinayaan niyang nakalaylay ang ilang hibla nito upang mapanatili ang pagkakaayos as messy bun. Bahagya rin niyang inayos ang kanyang suot na t'shirt na may imprenta ng kanilang eskwelahan at pinagpagan ang kanyang slim fit na pantalon.

Matapos maikalma ang kanyang sistema ay nagpasiya na si Michaella na lumabas ng banyo. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata, nang mabungaran sa bukana ng pintuan ang kanyang kasintahan.

"Noah!" gulat niyang sambit dito.

Dagli nitong hinablot ang kanyang kamay pabalik sa loob at walang kaabog-abog na ikinandado ang pinto.

"A-Anong ginagawa mo rito? Baka mahuli ka ng mga body guard," kabado niyang turan habang humahabol sa malalaking hakbang nito.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay naramdaman na lang niya na binuhat siya ni Noah paupo sa ibabaw ng lababo— at saka ito pumuwesto sa pagitan ng kanyang mga hita.

"N-Noah... wala bang nakakita sa iyo nang sundan mo ako rito?" muling pagtatanong niya sa binata ngunit nananatili lang itong tahimik. Bahagya namang napapikit si Michaella nang maramdaman ang biglang paghaplos nito sa kanyang pisngi.

"Mahal, sorry..." malambing na saad ni Noah.

Mabilis naman siyang napamulat sa narinig. "B-Bakit ka nagso-sorry?"

"Baka kasi nagalit ka sa akin dahil sa ginawa ni Trixie kanina."

Napabuntonghininga na lang siya sabay sabing, "Wala naman akong choice, Mahal. Aaminin ko nagselos talaga ako. Mabuti pa si Trixie pwede ka niyang yakap-yakapin in public kahit kailan niya gustuhin. Samantalang ako— ako na girlfriend mo, hindi pwede."

Mabilis namang hinawakan ni Noah ang kanyang baba upang pagpantayin ang kanilang mga paningin.

"Huwag ka nang magselos, Mahal," paglalambing nito at saka inayos ang kanyang buhok. "Pwede mo naman akong yakapin ngayon— mas mahigpit pa kung gugustuhin mo."

Mabilis namang umiling si Michaella. "Ayoko nga! Ayokong mahawaan ng amoy ng babaeng haliparot na 'yon, no!" pagtataray niya.

"Paano ako makakabawi sa 'yo para mawala na ang pagseselos ng mahal ko?"

Nagkibit-balikat lang si Michaella habang mataman na nakatingin sa mga mata nito.

"Pwede ba kitang halikan?"

Natigilan naman si Michaella sa sinabi ng binata dahil hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. Hindi naman siya ganoong kainosente pagdating sa usapang sensuwal. Ngunit sa pagkakataong iyon pakiramdam niya'y para siyang isang batang paslit na babago pa lamang sa sitwasyong iyon— sa sensasyon sa piling ni Noah.

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now