Love Beyond Revenge: 30

914 96 71
                                    

Brace yourselves, Lovies! ❤️

Dahil mahaba-haba ang chapter na baon ko sa inyo. Pambawi ko sa one week na pag-absent ko.
Nyehehehe! 🙃🙃🙃

Happy Reading... 💋💋💋

*****


"Babe..."

Kahit hindi lingunin ay alam na alam na ni Michaella kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Wala namang ibang nangahas na tawagin siya sa katawagan na iyon kun'di ang kanyang boss lamang na si Bill.

"Sir..." kaswal niyang saad habang abala sa pag-aayos ng mga litrato ng mga modelo.

"May gagawin ka ba mamaya?"

"Hmmm... wala naman po akong gagawin after this," muling bulalas niya.

"Great!"

Doon na niya ito tuluyang binalingan.

"Can you do me a favor, pretty, please?" malambing na wika ni Bill habang naka-puppy eyes pa.

Natatawang napailing naman dito si Michaella. "Sure, ano po ba 'yon?"

"Puwede ka bang pumunta sa penthouse ni Noah? I badly needed his sign for these important documents," usal nito habang nakabitin sa ere ang dalawang brown folder.

Napakagat naman ng kanyang pang-ibabang labi si Michaella. Palihimin siyang napamura dahil parang iginisa niya ang kanyang sarili sa sarili niyang mantika ng mga sandaling iyon— sa pagpayag niya sa hinihinging pabor ng kanyang boss.

"Okay lang ba?" muling pagtatanong ni Bill.

"Y-Yes, sir! No problem po..."

"Great!" anito at saka siya niyakap nang mahigpit. Bago pa man maka-react ay mabilis din itong humiwalay. "You're truly an angel in disguise. Thanks, babe."

"No worries..." labas sa ilong niyang turan.

Mabilis namang tumalikod si Bill— ngunit segundo lang ang lumipas nang muli itong pumihit sa kanya. "Oh, before I forget. Can you also help Noah to decide on his modeling portfolio?"

"B-Bakit po ako?"

"Why not? Magaling kang pumili ng shots. Look what happened to Zoey's portfolio— tanggap agad siya sa Dreame Couture." Patukoy nito sa isang modelo na hawak nila, na nakapasok sa isang local modelling company ng Pilipinas.

Gusto pa sana niyang umalma— ngunit sa huli ay tumango na lang siya sa kagustuhan ng kanyang boss.

"Alright, thank you ulit, babe," anito bago tuluyang nagpaalam.

Sinundan na lang ito nang tingin ni Michaella bago napaling ang kanyang paningin sa folder na nakapatong sa lamesa. Ngayon pa lang ay parang nauupos na siya— sa isipin nang muli nilang pagkikita ni Noah. Aaminin niya nitong mga nagdaang araw ay mataas ang apog niyang harapin ito dahil nasisiyahan siya sa ipinapakita nitong interes sa kanya. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nababawasan ang kumpiyansa niya sa sarili dahil sa samu't saring isipin at sa hindi niya maisagawang pakay.

"Ito na siguro ang pagkakataon na hinihintay ko. It's all or nothing. I will not let this day pass na hindi ko malaman ang totoo. Kung totoo ngang may amnesia ka, I will make sure na maaalala mo lahat ng nakaraan, Noah. Maaalala mo ang nakaraan."

*****

"Thank you, Manong," pasasalamat ni Michaella sa driver ng company van ng ahensiya.

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now