Love Beyond Revenge: 27

983 78 68
                                    

NGAYON ay luhaang sumisimsim ng alak si Michaella. Hindi niya lubos akalain na sing-pait ng alak na iniinom niya ang sasambulat sa kanyang pagdating. Pakiramdam niya ay malaki ang galit ultimo ng tadhana sa kanya— para salubungin siya nang walang pakundangang hagupit nito sa nagawa niyang pag-iwan kay Noah.

"Baks, tama na. Kakarating mo lang alak na agad ang inaatupag mo," pag-awat ni Luna at saka inilayo ang bote sa dalaga.

Binawi naman ito ni Michaella bago muling sinalinan ng tequila ang kanyang shot glass saka ito dagling nilagok. Napangiwi ang dalaga nang maramdaman ang muling pagguhit ng tapang ng alak sa kanyang lalamunan. Kaya't maagap siyang tumikim ng asin bago sinundan ng isang slice ng lemon— upang balansehin ang lasa nito.

"I badly need this," tipid niyang sagot habang sinasalinan uli ng tequila ang kanyang shot glass. "Samahan mo naman akong uminom, Baks. Hindi mo ba ako na-miss?"

Umirap naman si Luna. "Na-miss kita pero hindi ako sira para uminom ng tequila sa katanghaliang tapat."

Napailing na lang siya sa kasungitan ng kanyang kaibigan. Ngayon ay nakadungaw sila sa balkonahe ng condominium unit ni Luna. Gaya ni Michaella, ilang taon na ring nilisan ng kanyang kaibigan ang San Lorenzo— simula nang magtrabaho ito sa Maynila.

"Baka gusto mo akong i-comfort. I feel devastated right now, Luna. Umiiyak ako, oh!" sarkastiko niyang anas at saka muling uminom ng alak.

"Tss... kung gusto mong samahan kita sa trip mo, then let's find a healty way to unwind— h'wag palaging alak ang takbuhan mo sa tuwing malulungkot ka, Micah," pangaral nito bago sumimsim ng orange juice.

"He's happy now."

"How can you tell?" ani Luna habang nakabinbin ang baso sa kanyang labi.

"I saw it in his eyes..."

Hindi naman nag-abalang sumagot si Luna at tanging matalas na pandinig lang ang kanyang pinairal sa pakikinig dito.

"Even though he had a serious face in front of the camera. I know he is happy now," malungkot niyang saad. "The way he looks at her, and how his eyes sparkled with contentment. Kitang-kita ko 'yon kahit malayo ang distansya naming dalawa. The way he intertwined their hands— that's the same way kung paano niya pagsaklubin ang mga kamay namin noon," ani Michaella bago pinunasan ang tumakas na luha sa kanyang mga mata.

"That's the Noah I had before, Luna. Pero nakakaputang-īna lang dahil hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan niya ngayon," aniya bago muling uminom ng alak.

Hindi matanggap ni Michaella na sa tinagal-tagal nang panahon ay masasaktan pa rin siya nang ganoon kalala. Ilang taon niyang pilit itinago. Ilang taong ikinubli at sinabi sa kanyang sarili na wala nang epekto ang pagmamahal niya para kay Noah— ngunit sadyang taliwas ang kagustuhan ng traydor niyang puso.

"I know it's hard, Micah," pag-aalo ni Luna. "But, it's been what? Seven years, right? Don't you think it's about time na para i-let go mo na ang pagmamahal mo para kay Noah?"

Naagaw naman noon ang atensyon ni Michaella.

"We both know na naka-move on na si Noah. Hindi na siguro lihim sa'yo na may ibang girlfriend na siya ngayon."

Mariing napapikit naman si Michaella sa huling salitang dumulas sa kanyang pandinig.

"Come on, Micah. It's 2020 na! Ibaon mo na sa limot ng kahapon ang mga ala-ala ninyo ni Noah."

"Baks, I've overcome and have been taken control of this feeling. Pero napaka-bullshīt lang, dahil ganito ang sasalubong sa akin. Hindi ninyo man lang sinabi sa akin na ganito na pala ang buhay niya ngayon." May himig pagtatampo niyang saad, habang hawak ang poster na napulot niya sa airport.

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now