Love Beyond Revenge: 29

830 63 38
                                    

HALOS isang linggo nang nagta-trabaho sa 'O Naire's Agency si Michaella, ngunit hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na mapalapit kay Noah. Simula nang maipakilala siya ni Trill sa mga tauhan ng photography department— ay iyon na rin ang huling pagkakataon na nakita niya ang bulto ni Noah.

May mga nakatakda itong photoshoot sa ahensiya, ngunit hindi man lang ito nag-abalang sumipot— na talagang ipinagtaka ng mga staff dahil ni minsan, ni isang beses ay hindi naman ito lumiban sa kanyang schedules.

Abala si Michaella sa paglilinis ng lens ng kanyang camera nang maramdaman ang biglang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Dagli naman niya itong kinuha sa kanyang bulsa at gumuhit agad ang matamis na ngiti nang rumehistro roon ang pangalan ni Nathan.

"Hi, Nathan!" masigla niyang saad nang sandaling komonekta na ang videocall.

"Hey, baby..." nakahalumbabang bungad nito habang nakapikit pa ang mga mata sa harap ng laptop.

"Kakauwi mo lang?"

Labing-apat na oras ang pagitan ng oras ng Pilipinas at New York— kaya't batid niya ang pagod sa itsura ngayon ni Nathan. Gaya ni Michaella, matagal na ring naninirahan ang binata sa New York. Ang pamilya De Chavez ang kumupkop at naging pangalawang pamilya niya noong mga panahong ipinatapon siya ng kanyang Ama sa ibang bansa— upang tuluyang mailayo kay Noah.

"Yeah..." anito at saka tuluyang nagmulat ng mga mata. Agad nangunot ang noo nito nang mapansin ang isang bagay. "I thought you were just in Luna's condo the whole time?"

Nakagat na lang ni Michaella ang kanyang pang-ibabang labi dahil hindi niya nasabi rito ang tungkol sa biglaan niyang pagpasok sa 'O Naire's Agency.

"Where exactly are you, Micah?"

"A-At work..."

Mas lalo namang kumunot ang noo nito. "What work are you talking about? Please, enlighten me..."

Ngumuso lang si Michaella rito sabay sabing, "Hmmm... ipinasok ako ni Luna sa isang modeling agency as assistant photographer."

"You what?!"

Kitang-kita ni Michaella kung paano nanlaki ang mapupungay nitong mga mata sa video. Kaya naman mabilis niya itong kinausap muli. "Nathan, hear me out first, please..." malambing niyang turan.

"Then talk..."

Napabuntonghininga na lang si Michaella. "Luna brought me here because of Noah..."

Wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Nathan, bagkus isang seryosong ekspresyon lang ang ipinakita nito sa kanya.

"Galit ka?"

"Why would I?" malamig na bulalas nito bago nag-iwas nang tingin.

"Nathan naman..." nakanguso niyang saad habang hinihintay ang muling pagpaling ng paningin nito sa harap ng laptop. "Sorry na, please..."

Napansin niya ang dagling pagpaling ng mata nito sa monitor bago napahilot ng sentido. "How was he?" anito habang hindi pa rin napuputol sa kanyang ginagawang paghilot.

"He's doing well— actually, he's famous now." malungkot niyang bulalas.

Doon na siya tuluyang tinapunan ng tingin ni Nathan.

Hilaw na ngiti lang ang kanyang isinalubong dito. "He's the in demand model here in the Philippines— and the top fashion model throughout Asia."

Hindi naman sumagot ang binata sa kanyang sinabi, bagkus ay nakita niya ang pagiging interesado nito sa kanyang mga kuwento.

"And one more thing... he has a girlfriend now. His current girlfriend is Akina Aldover."

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now