Love Beyond Revenge: 21

2.5K 130 21
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at tuluyan nang nakasundo ni Michaella ang mga bago niyang kaibigang sina Flore at Niana. Mainit siyang tinanggap ng mga ito at itinuring na parang nakababatang kapatid.

Masayang nagkukwentuhan ang tatlo sa tapat ng tindahan ng kaserang si Nanay Sally nang biglang magsalita si Flore.

"Gurl, sigurado ka bang oks lang kay cutiepie na sumama ka sa raket namin ni Niana next week?" pagtatanong nito sa dalaga.

"Oo naman. Pinayagan na ako ni Noah."

"Talaga? E, why kanina pa naka-sight sa atin ang jowa mo? Para akong jojombagin any moment dahil sa pagyayaya ko sa 'yo." ani Flore bago sumipsip sa straw ng kanyang iniinom na softdrinks.

Nangunot ang noo ni Michaella sa sinabi nito. Mabilis niyang binalingan ang bukana ng kanilang tahanan. Nakita niya si Noah na ngayon ay matamang nakatingin sa kanilang direksyon— partikular sa kanya. Nakahalukipkip lang ang mga braso nito, habang nakasandal sa hamba ng pintuan na animo'y nasa estado ng malalim na pag-iisip.

"In all fairness ang hotness ni cutiepie— ilan kaya ang pandesal niya sa tiyan? Gurl, siguro araw-araw busog ang mga mata mo sa papandesal ni Noah, no?" malanding saad pa ni Flore pero hindi na iyon pinansin pa ng dalaga.

"S-Sandali lang po. Babalik ako."

Matapos noon ay nilapitan niya ang binata. Nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito at mabilis tumayo ng tuwid nang mapansin ang kanyang paglapit.

"Mahal, may kailangan ka ba?" patanong na salubong nito.

Sa halip na sumagot ay dagling kumapit si Michaella sa magkabilang balikat nito at bahagyang tumingkayad upang maabot ang labi ni Noah. Mabilis niya itong ginawaran ng halik sa labi— na siyang ikinagulat ng binata.

Sa halip na mabilisang halik ay mas lumalim pa ito, dahil hindi pinahintulutan ni Noah na makawala ang kanyang mga labi. Gumapang ang mga kamay nito sa kanyang baywang at namalayan na lang ni Michaella na tuluyan nang nakulong ang kanyang sarili sa mga bisig nito.

"I love you..." bulong ni Noah sa pagitan ng kanilang paghagkan.

"Mahal, okay naman tayo, 'di ba?" tanong ni Michaella bago tuluyang pinutol ang kanilang mga halik.

Ngumuso lang si Noah na animo'y nakuha ang kanyang nais sabihin.

"Mahal naman. Nag-usap na tayo, 'di ba? Malaking tulong din sa atin ang raket na 'yon."

"Hindi kasi ako mapakali, mahal," anito bago isinubsod ang mukha sa leeg ng kanyang kasintahan. "Baka mapaano ka. Wala ako roon para bantayan ka."

Dagli namang humiwalay rito si Michaella. "Iyon ba talaga ang dahilan?" aniya saka ito tinaasan ng kilay.

Napahawak naman sa kanyang batok si Noah na animo'y nahihiya.

"Mahal, sinabi ko naman sa 'yo na hindi ako basta-basta naa-attract sa mga lalaki. Sa 'yo lang nakatuon ang buong atensyon ko at hindi 'yon maaagaw ng sinuman."

"Talaga?"

"Sus! Gusto mo lang yata ng lambing ko, e!" panunuya niya rito.

Nakangusong tumango lang ito sabay sabing, "Mami-miss na naman kasi kita, mahal. Mamaya may ekstra na ulit ako sa construction— maghapon kitang hindi makikita."

Napangiti naman si Michaella sa sinabi ng kanyang kasintahan. Nakapasok kasi si Noah bilang assistant ng mga guro sa isang pampublikong eskwelahan— sa tulong na rin ng kasera nilang si Nanay Sally.

Love Beyond Revenge (On-going)Where stories live. Discover now