Chapter 1.4

152 14 5
                                    

Dumiretso na ako sa kwarto ko para kuhanin yung tuwalya ko dahil maglilinis ako ng katawan at syempre magtoothbrush. May banyo kasi kami dito sa itaas kaya hindi na kailangan pang bumaba at iwas late din kami ni Kale sa umaga kapag papasok dahil tig-isa kami ng banyo, ginagamit ko yung banyo sa baba tapos siya naman ay dito.

Bago ako pumunta ng washroom ay kinatok ko muna si Kale para sabihin sa kaniya na maglinis na siya dahil kung hindi mo siya pupuntahan, tiyak mamaya pa yan kikilos.

"Mauna ka na ate. Pagkatapos na pagkatapos mo, maglilinis na ako. Promise!" Sabi niya habang may kasama pang taas ng kamay na parang nagpapanata.

Pumunta na ako sa washroom at ginawa ang dapat kong gawin, toothbrush, hilamos, at linis ng katawan.

After 15 minutes tapos na ako sa routine ko tuwing gabi. Nakapagpalit na rin ako ng damit at syempre nagsuot ako ng pajama at black shirt.

Syempre nakagawian ko na rin na bago ako humiga sa kama ko ay inayos ko muna ang bag ko at nilagay ang mga dapat dalhin bukas. Pagkatapos noon ay bumukas ang aking pintuan at niluwa nito si Kale.

"Ate ayan hah, tapos na akong maglinis." Sabi niya sabay suklay ng buhok niya habang nakatingin sa body mirror ko. Magsasalita na sana ako pero umeksena na naman siya.

"Hindi tumawag sila Nanay?" Ani Kale habang nagsusuklay pa rin ng kanyang buhok. Nanay kasi ang tawag niya sa mother earth ko.

Diba nasabi ko sa inyo na wala dito sa Pilipinas sila Lola? Nasa Korea kasi sila nagbabakasyon and good for 2 months. Umalis sila last week lang kasi nga ang tagal ng visa na pinag-applyan nila. Sa aming pamilya, kami lang ni Kale ang naiwan dito dahil sa Christmas vacation na lang kami pupunta doon kaya possible na sa December 18 kami makakapunta doon.

Kasama nila Lola at Lolo doon ay ang tatlo niyang anak: si Marite, my mother and also the eldest among the three, she is with my father which is tatay Jom, si Tito Bill naman ang second eldest kasama si Tita Arly at older brother ni Kale na si Arqe, and at last si Ninang Celer na bunso sa kanila na pumunta doon together with Ninong Gio.

Si Arqe Van Sertew kasi kaya nakapunta agad sa Korea ay dahil sa ninong niya na nandoon, binigyan siya ng ticket papunta sa Korea dahil para daw makabawi yung ninong niya sa ilang taon na hindi na siya nabibigyan tuwing pasko. Sayang kasi yung ticket kaya sabi ng mama niya sumama na daw siya pero syempre hindi pa rin niya mapapabayaan ang education niya dahil habang nasa Korea siya for the mean time ay parang nag-aaral pa rin siya sa Pilipinas dahil ipapadala ng teacher niya yung mga homeworks, seatworks, quizzes, examinations, at activities through email. Maraming process ang isinagawa dito ng SJCS bago yan nangyari kaya nauna siya sa aming umalis. Kung isasama pa kasi si Kale baka hindi kami makapagcelebrate ng Christmas at New Year sa Korea, magiging useless lang ang pagpunta namin doon.

Sinagot ko na si Kale sa tanong niya kung tumawag daw ba si Nanay, gusto ko ring tanungin sa kaniya kung tumawag na ba si Tita Ly (tawag ko kay Tita Arly) sa kaniya dahil magkakasama lang naman ang mga ito sa iisang bansa. No doubt kapag hindi tumawag si Nanay ay hindi rin tatawag si Tita Ly kasi sa mga oras na ito masarap mamasyal sa Korea.

"Hindi baka nagpapahinga na ang mga iyon o kaya naman naglalakwatsa sa Myeongdeong ngayong gabi kaya hindi nagbubukas ng phone." Mas alam ko kasi ang Korea sa kanila kahit hindi pa ako nakakapunta doon.

Noong high school kasi ako dream ko talaga na makapunta ng Korea kaya lahat ng related doon, inaral ko. Kaso nga lang habang lumilipas ang panahon at maraming nangyayari na nakakastress kaya medyo nakakalimutan ko na yung ibang info.

After Five YearsWhere stories live. Discover now