Prologue

435 20 6
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng pagchecheck ng mga assignment ng mga makukulit at mababait kong estudyante nang biglang may tumabi sa akin.

"Ma'am Shaze, sorry po." Nakayukong sabi sa akin ng isang estudyante ko na si Gavin. Yakap-yakap pa nito ang kaniyang libro na animo ay may kukuha nito sa kanya.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit siya humihingi ng sorry sa akin at tinignan ko ang buong classroom kung may gulo ba na nangyari pero wala naman. Lahat naman sila ay payapa at tahimik na nagsasagot ng kani-kanilang mga seatwork. Si Gavin lang talaga ang malungkot kaya agad ko siyang tinanong.

"Gavin, bakit ka po humihingi ng sorry kay teacher?" Malumanay na pagkakasabi ko sa kaniya at nagtaas naman ng ulo ang bata habang yakap-yakap pa rin ang kaniyang libro.

"Kasi po hindi ko po maintindihan yung directions about po sa seatwork na-na-namin." Sabi niya ngunit pahina ng pahina ang kaniyang boses.

At nangyari na nga ang kinatatakutan ko, umiiyak siya habang dahang- dahang yumuyuko.

"Hi-hindi ko po-po ka-kasi a-alam *sinok* yu-yung sa-sagot *sinok*" Habang sinasabi niya ito ay patuloy na umaagos ang kaniyang luha at kumuha na ako ng tissue para punasan ang luha niya dahil ang kaniyang maliliit na kamay lang kasi ang ginagamit niya upang ipamunas sa mga luha niya. Pero kahit na umiiyak pa rin siya yakap yakap pa rin niya ang libro niya kaya kinuha ko muna ito sa kaniya at pinakalma siya.

Ngunit bago ko ito kausapin tinanong ko muna ang mga kaklase niya kung tapos na ba sila.

"Okay class, raise your right hand if you are not yet done." Pagkasabi ko pa lang sa kanila ay agad naman nilang tinaas ang kanang kamay nila.

Sabagay, mga bata pa kasi sila kaya alam ko na uubusin talaga nila ang oras sa seatwork nila hanggang sa sumapit ang recess. Mabuti na lang at hindi pa sila tapos dahil makakahabol pa si Gavin sa recess nila at baka kasi mahuli siya pagnagkataon at mas malala baka umiyak na naman siya.

"Sige po, kapag ba sinabi ni teacher ulit yung directions, tatahan na po si Gavin?" Tanong ko sa kanya habang may ngiti sa mukha. Please say "Yes" Gavin! Baka kasi mawalan ako ng trabaho kapag di ko siya napatahan at susugurin ako ng mga magulang niya tapos mamamatay ako na single an-------.

"Opo, teacher. Thank you po." Sabi niya sa akin. Nilabas niya ang panyo niya galing sa kaniyang bulsa at saka suminga.

Pagkatapos, kinuha ko naman ang libro niya at nilapag sa desk ko. Ipinaliwanag ko na sa kanya kung ano ang directions ang dapat niyang gawin para masagutan ang kanilang seatwork.

"Okay, para po sa first page, una ang kailangan na gawin ni Gavin ay isulat po kung ano ang name ng animal ang nakadrawing, and pagkanaisulat mo na po yung correct name ng animal na inaral natin last week, icoconnect mo na po siya ngayon kung saan ang habitat niya. Sige nga po, kung nakikinig ka po kay Teacher, ano ang po habitat?" Tanong ko sa kanya habang nagdadasal na sana natandaan niya pa. Tumingin siya sa itaas ng matagal at tumingin sa akin ng may ngiti sa labi.

"Habitat po ang tawag sa tirahan ng animals for example po yung mga fish sa water po sila nakatira. Tama po ba ako teacher?" Bago ko siya sagutin ay kunwari mo na akong nag-isip kung tama ba ang sagot niya.

"Ahm..." Hindi ko na maituloy ang pagkukunwari ko dahil nadistract ako sa sobrang cute na action na ginawa ni Gavin ngayon.

Pinagsaklop niya pa kasi ang dalawa niyang kamay na parang nagdadasal at biglang nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Very good, Gavin! Tama po ang answer mo. So ayun lang po ang gagawin mo for the first part of your seatwork. And then for the last part naman po, icicircle mo naman po kung ano ang specific food na kinakain ng specific animals. Can you give me an example po?" This time, mabilis niyang sinagot ang tanong ko.

"Yes Ma'am, monkey po they eat bananas po." Confident niya pang sinabi at hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa kaniyang labi.

Lalo pa siyang napangiti dahil sa binigyan ko siya ng two thumbs up.

"So, that's it, ayun lang po ang gagawin para matapos ang seatwork. May questions ka pa po ba na gustong itanong?" He suddenly give me a hug.

"Wala na po teacher, thank you po Ma'am Shaze. You are the best teacher in the world po!" Bago pa ako magkapagsalita ay bumalik na sya sa upuan niya at ayun na naman sya yakap-yakap na naman niya ang libro niya.

Nakangiti lang ako sa pagchecheck ng mga assignments nila at patapos na ako ng sumagi sa isipan ko na hindi ko pala naitanong kay Gavin kung bakit hindi niya naintindihan yung directions ko kanina. Mahalaga kasi sa akin na malaman iyon kasi minsan ineevaluate ko din ang sarili ko by means of teaching, kung gaano ba ako kaeffective na teacher, kung mabilis ba ako magsalita o kaya mabagal, kung malakas ba yung boses ko. Ayun and lastly, kung nakakatakot ba ako na teacher baka kasi mamaya sobrang strict ko na pala sa kanila at baka rin nadadala ko yung kasungitan ko sa mga bata. Kaya I always do some self-evaluation kapag may oras ako dito sa school.

Tuwang-tuwa ako nang matapos ko nang macheck lahat ng assignments nila hindi dahil sa tapos ko ng icheck ang 35 notebooks pero dahil sa mga scores nila. Halos lahat kasi sila ay nakaperfect. Yung homework kasi na ito ang naging reviewer nila para sa seatwork nila ngayon pero syempre iba yung seatwork nila. I did it para malaman ko kung talagang nakikinig ba talaga sila sa akin at kung nakikinig din sila sa mga magulang nila kapag tinuturuan sila sa bahay.

Tumayo na ako para tanungin sila kung tapos na ba sila sa ginagawa nila at malapit na rin magrecess. Bago ako pumunta sa harap ay inayos ko muna sa isang sulok ang mga notebooks at mamaya ko ito ididistribute sa 10 minutes free time nila. After noon, pumunta na ako sa harapan.

"Okay kids, please raise your left hand if you are done." Tinaas naman nila ang left hand nila at nagulat ako dahil pati si Gavin ay tapos na rin. Kaya nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang pag-asa na iiyak siya mamaya kasi sinabi sa akin ng mama niya na tito daw niya, kapatid ng mama niya, ang susundo sa kaniya. At sabi pa sa akin ng mga co-teacher ko kanina na masungit daw yun at hindi man lang ngumingiti sa kanila. Pero mukhang mabait naman daw at katulad ko daw, sa SJCS din daw nagtapos ng high school kaya baka daw kilala ko. Pero hindi ko na lang inisip yon kasi magtitime na at pumunta na lang ako sa room ko.

So, mabalik tayo (ang daming palabok) kaya naman para hindi sila hassle lumabas at hindi magtutulakan ay nagbigay ulit ako ng direction.

"Kids, once you are done, please close your books, then fall in line sa table ni Teacher to pass your books and after that, you may clean your things, ilagay po ng maayos ang pencils sa pencil case. And you may have your recess. Understand?" Bago pa man sila makatayo ay sinabi ko na ang muntikan kong makalimutan.

"And ops, *lagay ng darili sa bibig* observe silence and walang magtutulakan." At sabay sabay nilang sinabi "Yes Ma'am Shaze!".

Successful nilang nagawa ang direction na sinabi ko at talagang habang papunta sila sa table ko ay talagang nilagay pa ang daliri nila sa bibig nila to signal their other classmates to be quiet. At kapag nasa harap ko na sila hihinaan pa nila ang boses nila at sasabihin sa akin na:
"This is my book po Ma'am"
"Take care of my book po Ma'am"
"Thank you po Ma'am!"

Napakasweet!

Grabe kahit ganoon lang kinikilig na ako. Abot tenga ang ngiti ko ngayon dahil doon. Wala man akong boyfriend pero sobra sobra ang kilig ko sa mga bata na ito.

Makukulit pero hinding-hindi ko ipagpapalit.

Natapos na nilang ipasa ang kanilang seatwork at bumalik na sa kani-kanilang upuan para magrecess at matatapos sila ng 9:45. Syempre, mamaya na lang din ako kakain kapag umuwi na sila dahil 12:00 kasi sila umuuwi so diretso lunch na.

After Five YearsWhere stories live. Discover now