Chapter 2.4

85 6 0
                                    

Nandito na ako sa labas ng faculty at binaybay ang daan papunta sa room ko. Hindi naman ito kalayuan dahil nga nasa harap lang ng faculty ang pwesto nito kaya hindi ko naman na kailangan na magmadali. Isa pa, maaga rin natapos ang meeting namin kaya napagdesisyunan ko na pumunta na lang sa room kahit maaga pa. In truth, 9:15 pa lang at may 25 minutes pa ako na natitira. Hindi naman gaano mabigat ang dala ko kaya mabilis din ako na makakapunta sa room dahil ang 1st subject kasi nila ay Reading and Writing lang after naman noon ay recess na nila.

Lakad. Lakad. Lakad.

Finally nandito na ako sa room!

Binukas ko na ang pintuan at hindi ko alam na mapapaaga pala ang punta ko sa South Korea dahil sa lamig na sumalubong sa akin. Ang lamig as in sobrang lamig na akala mo yung jowa mo yung nandito sa sobrang lamig, char! Ang aircon din na yan ang isa sa mga iniisip ko na nagpapamahal sa tuition fee ng mga bata bukod sa mga tinuturo namin sa kanila. Iniisip ko tuloy, siguro dapat kung mayroon man na electricity problems like brown out, dapat siguro binabawas din yun sa tuition fee nila kahit pa saglit lang or ano. Mayaman man kasi o mahirap, mahirap pa rin kumita ng pera.

Sinara ko na ang pintuan at daglian na pumasok at baka lumabas pa ang lamig ng aircon. Sayang naman sa kuryente! At dahil sa hindi rin naman ako sanay na ganoon ang lamig at baka rin sipunin ang mga bata ay pumunta ako sa aircon para hinaan ang thermostat at kung kanina ay 7, ginawa ko naman na 5.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa teacher's table na nasa harapan at umupo muna para hintayin sila dito. Ito lang din yung unang beses na may ganito na ganap kaya kailangan mas maaga ako sa kanila dito baka kasi mamaya kapag nakita pa na sarado ang room, minsan magcoconclude agad yung mga bata na walang pasok kahit 10 minutes pa lang. Then, yayain na yung parents or guardian nila na umuwi hanggang sa maglupasay sa lapag. Natural lang yan kasi nasa nature ng mga bata ang sobrang pagkainipin.

It is already 9:30 AM which means 15 minutes na lang at magsisimula na ang klase.

Napagpasiyahan ko na lang na tignan yung mga flashcards na dala ko na gagamitin ko for both Reading and writing. Ito lang ang dinala ko aside from ito lang naman ang kailangan ko ay para na rin buo ang attention ko sa mga bata at sa aking pagtuturo. Mayroon naman na whiteboard marker sa drawer ko dito kaya hindi na ako nagdala.

A is for apple...

B is for Breez--

Mali. Mali. Mali.

Ball, Shaze! Ball!

Hindi ko maintindihan kung ano na ang nangyayari sa sarili ko pero ngayon ako na lang mag-isa, yung sakit na iniipon ko, kumakawala na sila sa kulungan nila. Wala naman kami pero hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit nito daig ko pa nga ang na brokenhearted sa sobrang lungkot. Bakit kasi may B sa alphabet eh! Pwede naman na C na lang ang kasunod ni letter A para naman hindi na mahirapan yung mga bata!

Like, A, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V--.

*tok* *tok* *tok*

Narinig ko na may kumatok sa pinto at pumunta naman agad ako doon. When I open the door I saw again the cutest little girl I have ever seen! Miles Villamor. Nakatingala siya at nakatingin lang siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung tao ba siya or doll. Nakalagay naman yung mga kamay niya sa harapan pero magkasaklop na parang naka 'o' shape yung mga braso niya. She has those pretty cinnamon-colored eyes with wave-like eyelashes. Thin-eyebrows, pointed small nose, and thin lips. Nakaheadband din siya na red and high socks na white.

Behind her beautiful and innocent face, there is something that she is battling with, her trauma. Expected ko na talaga na maaga siya na papasok dahil she is on the stage of coping her traumatic experience with us, teachers. Ayaw kasi palagi ni Miles na nahuhuli siya sa klase dahil feeling daw niya papagalitan ko siya. Absent siya kahapon kasi sabi ng mommy niya ay susunduin daw nila ang daddy niya from work na matagal na nilang hindi nakasama. She is a transferee dito two weeks after ng start ng klase. The reason for her trauma was because of her previous teacher who got angry on her dahil sa nalate lamang ang yaya niya sa paghatid sa kaniya dahil both parents ni Miles ay nasa work. And worst, at a young age, she also experienced bullying from her classmates because of the useless reason of her teacher.

After Five YearsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora