Chapter 2.10

143 5 0
                                    

Ngayon gusto ko siya na tanungin kung ilan beses ba siya na inere ng Mommy niya dahil daig pa yung mga estudyante ko sa kakulitan. Hindi naman Chinese, Korean, or ano man na language ang ginamit ko para hindi niya maintindihan ang simple na pangungusap na "may gagawin pa ako". Pero teka! Hindi naman niya sa akin sinabi na kailangan pala itranslate sa English nang lubusan niya na maintindihan. Wag ako, Theodon! Nasa Pilipinas tayo at matuto ka na rumespeto sa Wikang Filipino. Ewan ko sa iyo at bahala ka talaga sa buhay mo!

"Ma'am Shaze?"

Bumabalik ka na naman sa pagiging paasa mo eh at ginagawa mo na hobby! Nakakainis dahil heto na naman ako bumabalik sa iyo na para ba na hindi ako nasaktan sa nakaraan. Ngunit, gagamitin ko naman ang mga aral na iyon na aking natutunan upang damdamin na ito ay mapigilan. Disclaimer, hindi po ako humuhugot.

"Ma'am Shaze? Hello?? Mukhang tama ka nga, Ma'am Pil, may sakit yata si Shaze."

Gusto ko naman na pagbigyan ang sarili ko kaya lang, nalilito ako at hindi ako sigurado. Hindi ako sigurado kung parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa dahil wala naman siya na sinabi sa akin na gusto niya rin ako. Siguro nga rin, yung paganyaya niya sa akin ng lunch kanina ay normal din niya na ginagawa sa ibang tao. Ano ba naman kasi ito na iniisip ko! Ang dami na pwede na isipin kaysa dito katulad ng corruption sa gobyerno na parang walang dulo.

"Teka nga! Sinasabi ko na nga ba eh, may sakit talaga si Ma'am Shaze! Nako, ayaw pa nga niyan magpadala sa clinic kanina, Ma'am Heil! Tinitiis ang sakit, makita lang yata yung Tito ng estudyante niya!"

Pero Breeze, okay lang talaga sa akin kung may girlfriend ka na basta lang huwag naman yung umaakto ka na ganito kasi alam mo ba doble yung sakit. It is okay if you will say na hindi mo ako gusto at sobrang matatanggap ko iyon and maybe iyon pa yung maging way para tumigil ako sa kahibangan ko. But, please don't act on that way if the two of you are still together.

Paulit-ulit ko na sinasabi sa sarili ko na nakamove-on na ako pero narealize ko na tama sila, hindi pa rin talaga. Hindi pa rin talaga lalo ngayon na nagkita na naman kami na dalawa. Kainis naman kasi! Mamaya talaga magsesearch ako ng mga tips on how to move-on jusq! Ilang taon na ang lumipas pero bakit hindi pa rin nawawala yung damdamin ko para sa kaniya dito sa puso ko? Is this a sign of abnormality?! Need ko na ba na pumunta sa mental hospital?! Hays. Nakakainniiis!

"Ano po ba nangyari mga Ma'am? Nakita ko pa po si Ma'am Shaze sa labas eh na kausap si Sir Sind kanina. Mukha naman po na okay si Ma'am, Ma'am Heil at Ma'am Pil."

"Totoo ba, Ma'am Kells?! Tawagan kaya natin yung Tito ni Gavin ba yung name ng estudyante niya, mga Ma'am?"

"Oo, Ma'am Pil, Gavin nga yung name."

"Ayun! Thank you, Ma'am Heil! Nang bumalik na sa katinuan at umokey si Ma'am Shaze! Mukha na nawala ang kaluluwa at sumama sa Tito ni Gavin eh!"

May girlfriend na kaya siya? Hindi naman malabo na mayroon. Hala! Baka mamaya na naman nasa paligid ko lang ang girlfriend niya! Aish. Malaman at malaman ko talaga yun at good bye world na! Tss. As if naman na ganoon dahil kahit gusto ko siya, never ko na naman na paiikutin ang mundo ko sa kaniya. Mahirap nang gawin na mundo ang isang tao lalo na kung sa tadhana ka nakikipaglaro at dumedepende ka sa mga motibo.

"Pero in fairness, ubod pa rin talaga ng kagwapuhan yung Tito ni Gavin! Hindi yata man lang nastrestress sa buhay."

"Ma'am Heil may asawa at anak ka na. Ibigay mo na lang kay Ma'am Shaze si... si... si ano... Ano kasi pangalan, Ma'am?"

Bakit kaya ganito ako palagi kapag may nagugustuhan ako? Palagi na lang na ako yung talo? Marahil kasi umaasa ako. Hindi ko alam kung sadyang hindi ako binayayaan ng magandang mukha kaya ganito ang nangyayari pero hayaan na lang. At least naman may nakuha rin ako na mga aral sa mga nagugustuhan ko - patuloy na lumaban kahit na nasasaktan.

After Five YearsWhere stories live. Discover now