Chapter 2.2

120 9 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa aming faculty at nakaupo na sa aking upuan. Hindi muna ako pumunta sa aming room dahil sa mga oras na ito ay sarado pa ito at dito rin naman sa faculty gaganapin ang meeting. Na kay Kuya Pie pa kasi yung susi, isa sa mga maintenance namin dito sa school. Medyo maaga pa kaya konti pa lang kami na nandito. Sa aming department, si Ma'am Ap at si Ma'am Heil na lang ang kulang.

Maaga talagang pumapasok ang mga teacher sa aming department para in case na may emergency yung mga parents at maagang hinatid yung mga bata ay diretso na agad sa room. Isa pang dahilan ng pagpasok namin ng maaga ay dahil na rin sa kami ang nagbubukas ng aircon para palamigan ang room habang nagcoconduct ng flag ceremony sa labas.

One time kasi may hinatid na bata na sobrang agang pumasok siguro mga 6:30 pero ang original na time ng pagpasok nila ay 7. So, ang nangyari, iniwan ng sundo nito yung bata sa guard. Syempre ang mga bata ay kilala sa pagiging malikot, umalis ito sa upuan na sinabi sa kaniya ni Kuya Lind. Hindi rin napansin ni Kuya Lind na umalis pala ang bata sa upuan dahil nagwawalis kasi siya bilang nakagawian na niyang gawin sa umaga. Halos ilang minuto din siyang hinanap noon at dahil nga wala pa ang adviser niya at iba pang teacher ng pre-elem ay hindi macontact ang mga magulang nito. Nakita lang ang bata noong oras na ng pasukan na hinatid ng ate niya. Nandoon lang pala ito sa room ng ate niya at nagpapalamig sa aircon. Naiinitan daw kasi siya kaya pumunta muna siya sa ate niya na isang Grade 10 student. Ang room pa naman ng mga Grade 10 ay nasa third floor kaya hindi mo maiisip na pupunta doon ang isang five years old. Bukas na kasi ang mga room sa mga oras na iyon at yung unang student na pumasok ay siyang magbubukas sa aircon. Nandoon siya mag-isa sa room ng ate niya dahil pumunta daw ang ate niya sa washroom saglit, nakaupo lamang ito at nakangiti pa na parang walang naghahanap sa kaniya.

Kaya simula noong nangyari ang insidente na iyon ay maaga na kaming pinapasok ni Ma'am Ap para maiwasan ang mga ganoong insidente. Nakakahiya din kasi sa mga magulang nila dahil pinagkatiwalaan nila kami sa mga anak nila once na nakapasok na ito ng school. Kaya naman naintindihan kaagad ng mga teachers sa faculty kung bakit ko dala-dala si Gavin kahapon.

Habang nag-aayos ako ng aking table ay bigla naman akong nagulat dahil may biglang nagsalita. Nakayuko kasi ako dahil ang nililinis ko yung sa baba ng table ko, yung mga lagayan nito sa baba. Ang mga nilalagay ko kasi dito ay yung mga notebooks or books na pinapasa ng mga student ko na hindi ko pa nachecheck-an. Since wala nang nakalagay, namamahayan na ito ng alikabok kaya every morning nililinis ko ito and allergic din kasi ako sa alikabok.

"Ma'am Shaze! Kamusta naman yung tito ni Gavin? Sinungitan ka ba? Kinausap ka ba? O baka naman ikaw ang nagsungit?! Aber?!" Si Ma'am Piler lang pala yung nagsalita akala ko pa naman kung sino. Napaayos pa tuloy ako ng upo.

Ma'am Piler is one of the kalog at magaling magturo dito sa aming department. She is like my older sister dito sa school dahil 26 na siya at may boyfriend na din. Well, lahat naman ng co-teacher ko ay parang mga kapatid ko na, bunso kasi ako dito eh. Siya din yung kasabay ko minsan na kumain tuwing lunch. Hindi nga lang kami sabay kahapon dahil may inasikaso pala siya na about sa health ng mommy niya.

PERO WAIT?! PATI BA NAMAN SI MA'AM PILER?! NANG BUMALIK ULIT SI BREEZE, LAHAT NA YATA NG NAKAKASALUBONG KO PURO BUKANG BIBIG SI BREEZE! AYAN TULOY HINDI KO NA MAGAWANG KALIMUTAN SIYA! Char!

Dahil sa maaga pa at 7 pa lang, alam ko na medyo mahaba ang pag-uusap namin ni Ma'am Piler. Aabot siguro ng mga 20 minutes.

"Ma'am Pil, bukas na ba yung mga room natin? *habang naglalagay ng alcohol sa kamay*" Pag-iiba ko sa tanong niya habang tumitingala sa kaniya kasalukuyang kasi siyang nakatayo sa tabi ng table ko. Hindi kaya siya nangangawit niyan? Basta kasi sa chismis, on the go si Ma'am lalong-lalo na sa lovelife ko. Lahat kasi sila may jowa at may asawa na except sa aming dalawa ni Sir Sind. Kaya expect niyo na kapag nasimulan tuksuhin yung isa sa lovelife, eh tuloy-tuloy na yan. Mas excited pa kaysa sa amin yang mga yan kapag tungkol na sa lovelife namin ni Sir Sind!

After Five YearsWhere stories live. Discover now