"Clay! Eve!" Napatigil si Clay sa paghila sa paa ni Eve para dalahin sa swimming pool saka tumingin sa kinatatayuan ko. "Almost 7 na! Baka magkasakit kayo!"

"We're fine!" Bumitaw si Clay sa paa ng kapatid at itinaas ang dalawang kamay saka nag-thumbs up. Hindi siya umalis sa pagkakababad sa pool kaya nagtataka ako kung hindi ba siya nilalamig.

Mas matanda sila sa akin at hindi nila pinasok ang mundo ng pag-aartista dahil na rin kina Kuya Dane at Ate Ella. Kahit pa kasi sabihing malaki ang kinikitang pera sa mundong ginagalawan namin, kapalit naman nito ang privacy mo. Wala pa ako sa point na tulad nina Kuya na dinudumog kapag nakikita in public pero alam kong kapag pinag-igihan ko't nakakuha ako ng maraming project ay ganuon rin ang mangyayari sa akin.

Naisipan kong puntahan sila kaya nagbihis ako ng pangbahay; simpleng cotton shorts at t-shirt bago ako lumabas ng kwarto. Nang makarating ako ruon, saktong tumigil na sila sa pag-aasaran at nakaupo na lang sa gilid ng pool si Eve habang nakalublob ang mga paa sa tubig at ang kapatid niya naman ay nakasandal lang sa tabi niya.

Hinubad ko muna ang tsinelas ko't umupo sa tabi ni Eve saka ko inilublob ang mga paa ko sa pool. Malamig pero tolerable. Kaya naman pala hindi pa umaahon ang isang ito. "Patabi. Katamad sa taas."

"How's your day?" tanong niya matapos ko ipatong ang ulo ko sa balikat niya.

"As usual. Pagod."

"Kaya ayaw namin mag-artista, eh." Napatingin si Eve sa kapatid pero ako, nakatitig lang sa paggalaw ng tubig sa pool. "Kita mo. Baguhan ka pa lang at wala pa nga masyadong TV appearances, pagod na pagod ka na."

"Two years lang naman pinirmahan kong kontrata. Nangangapa pa lang ako. Siguro kapag nasanay, wala na sa akin ito. Kapag hindi nag-workout ang pag-aartista ko then I'll quit and at ipagpapatuloy na lang ang fashion."

"Maiba ako. Bakit hindi mo na kausapin sina Tita?" Pumunta sa harap namin si Clay at duon nagpalutang-lutang. "Don't you think 1 week is enough?"

"Enough ka diyan. Too much kamo." sabat naman ni Eve.

"Hindi naman sa nanghihimasok, Patricia, pero hindi ba't parang ang selfish ng move na ginawa mo? Umalis ka dahil lang sa nangyari?"

Napasimangot ako sa sinabi ni Clay. "Easy for you to say. Sa iniyo kasi, walang problema kina Tito at Tita kahit pa mag-girlfriend o boyfriend kayo."

"I get your point pero kasi magulang mo pa rin sila, eh." Kinuha niya ang palutang-lutang na pool bed at sumampa rito't nahiga. Kinuha niya ang paa ko't ipinatong rito para hindi ito dalahin ng tangayin ng tubig sa ibang parte ng pool. Iniunan niya ang mga palad niya't nanatiling nakatingin sa langit. "Kung ako kasi sila? Masasaktan at malulungkot ako sa ginawa mong pagtatago sa relasyong mayroon ka tapos nang mabuking, naglayas ka pa."

"He's right, Patricia." Napapikit ako nang pati si Ate Eve ay sinang-ayunan na ang kapatid. "Alam mo sa sarili mo na may mali ka kaya itong paglalayas mo? Parang... ewan ko, ha? Parang sobra naman. Sigurado ako, nag-aaalala na sila sa iyo."

I know. Isang araw nga lang ako hindi umuwi, nag-aalala na sila, ngayon pa kayang isang linggo na ako wala sa tabi nila? Hindi ko naman kayang umuwi kaagad at umakto na parang walang nangyari. Kailangan ko pa ng kaonting panahon para magpalamig.

The same routine happened the following morning; school, practice, gym, pagkauwi kina Kuya Dane ay school works naman ang kaharap. At nang dumating ang Linggo, maaga pa lang ay nasa station na kami para sa early morning practice sa gaganaping live performances mamayang tanghali.

Ang sabi ng barkada ay pupunta sila para manuod kaya na-excite ako. Mula sa backstage, nanunuod kami nina Astrid at Yena sa mga naunang mag-perform. Sobrang dami ng tao sa harap at medyo nakakakaba dahil live ang palabas na ito. Noong unang salang namin rito ay smooth naman ang naging performance namin pero what if pumalpak ako? Iyon ang ikinatatakot ko kaya nagdasal muna ako.

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now