SPECIAL CHAPTER PART 1

Start from the beginning
                                    

"A-Ah, b-bigla kase akong nangaylangan eh." Pagdadahilan ko rito.

"Oh, para ba sa team ang mission?"


Agad akong umiling sa sinabi ni Seiko. "A-Ah, hindi! Para sa akin lang."


"Oh, why don't you try this? Kailangan ko rin kasi ng kasama. Pwede na ang bayad sa simpleng trabaho lang." Sambit niya. 


May pinakita siya sa aking mission. Kinuha ko ito at binasa. My eyes squinted as I read the mission.

They're looking for a bodyguards for their daughters for a day. At ang bayad-

"O-One hundred thousand drennies?!" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Natawa si Seiko sa reaksyon ko.

"Well, her father is quite a big shot. Kaya ganiyan talaga. So ano? G ka?" Tanong niya.

Agad akong tumango rito. Kailangan ko nang malaking pera sa mabilis na paraan. Hindi ko na aaksayahin ko.

"Nice! Ipapakita ko lang 'to kay King. Tapos aalis na tayo. Magpaalam ka na rin muna sa mga kasama mo." Sambit niya at pumunta ito sa isa sa mga kwarto sa guild.

Kinuha ko ang oportunidad na 'yon para kausapin si Rivan.

"Hoy, aalis ako. Sabihin mo sa kanila na nag-training lang ako at hindi ko sinabi kung saan, maliwanag?" Sambit ko.

Tango lamang ang sinagot sa akin ni Rivan habang nagbabasa ito ng comics. Sigurado akong hindi niya naintindihan ang sinabi ko at tumatango lang ang siraulong 'to.

"Helix! Tara na!"


Napatingin ako kay Seiko na naglalakad na papalabas ng guild. Bago ako sumunod dito ay may pahabol pa akong sinabi kay Rivan.

"Listen to me okay? Wag na wag mong sasabihin kay Cleofa ang sinabi mo sa akin ha? Malilintikan ka sakin." Pahabol ko.


Hindi nag-react sa sinabi ko si Rivan dahil lahat ng atensyon nito ay nasa comics na binabasa niya. Wala na lang akong nagawa kung hindi mapaismid bago sumunod kay Seiko.

"Nagpaalam ka na?"

"Yeah, hindi rin naman tayo matatagalan."

Umalis kami ni Seiko sa Academy at lumabas ng Algrea. Nakisakay lamang kami sa dumaan na mini truck upang mapabilis ang byahe namin kesa sa pagsakay ng kalesa.

Sabi sa akin ni Seiko na hindi raw gifted ang client namin. Pero dahil daw sobrang protective ng tatay nila ay mga gifteds ang kinuha nitong bodyguards para sa mga anak niya.

Isang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa town na destinasyon namin. Pagdating namin doon ay dumeretso kaagad kami sa pinakamalaking mansyon sa bayan.

Masasabi ko na agad na mayaman at mahalagang tao ang nakatira rito dahil sa dami ng guards na nakabantay.

Pagtapos magpakilala ni Seiko ay pinapasok kami sa loob kung saan bumungad sa amin ang ilang butlers.


"Goodevening madam, senior."

"Salamat sa pagtanggap ng trabaho. Wala po si Master sa bahay kaya ako po ang naatasyan na kumausap sa inyo. Don't worry, nakahanda na po ang mga bayad sa inyo." Sambit ng lalaking nag-aabang sa amin sa pintuan.

"I'm Esnor, the main butler of the family." Pagpapakilala ng lalaki.

"Oh, Hi! I'm Seiko, and this is Helix. We're from the guild." Sagot ni Seiko.

"Very well, miss Seiko and sir Helix, these are the daughter of the congress. Sila po ang babantayan ninyo."

Kasunod ng pagsabi nun ni Esnor ay ang pagdating ng dalawang babae. Isang bata at isang babaeng hindi siguro nalalayo ang edad sa akin.

"Merong event bukas sa bayan kaya kaylangan nilang pumunta roon. Dahil sa pagiging anak ng congressman ay sigurado pong maraming gustong kumuha o may balak na masama sa kanila. Kaya kayo po ang magsisilbing bodyguards nila." Pagpapaliwanag ni Esnor.

"Ano na Esnor? Pwede na ba ko magpahinga? Pinatawag mo ko sa walang kwentang bagay." Sambit ng nakatatandang babae.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wow. The attitude.

"Kung wala ka ng sasabihin ay mauuna na 'ko."

Hindi na nakasagot si Esnor nang naglakad na papalayo yung babae.

"P-Pagpasensyahan niyo na po si Miss Klea." Nakayukong sabi ni Esnor sa amin.

On a second thought. Parang ayoko ng maging bodyguard ng spoiled brat na 'yon. Baka sumama pa 'ko sa mga gustong ipasabotage siya.


•••

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now