SPECIAL CHAPTER PART 1

57.2K 2.3K 313
                                    

Helix

Kakagaling lamang namin sa mission at nagpapahinga na ngayon sa dorm niya si Cleofa. Nandito naman ako sa guild at nagbabasa.

Oo, nagbabasa. Kahit wala akong interes sa libro ay wala akong magawa ngayon kung hindi magbasa.


Taliyah told me that I can still develop my gift. Sinabi niya sa akin na malalaman ko ang lahat ng tungkol sa gift ko sa libro. Kaya ako nagbabasa ngayon.


"Hays, ang init! Katamad gumawa ng mission ngayon!" Rinig kong reklamo ni Rivan.

Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yan. Wala naman talaga siyang kinuhang mission buong linggo.

Kaya nga napatapon siya sa dorm eh. At bilang isang mabuting Guild's Master, hinayaan siyang mag-stay rito ni King.

"Argh! Timpla mo nga ko juice Helix." Sambit nito habang pinapaypayan ang sarili niya.

My forehead furrowed and I gave him an irritated look. "Anong juice? At bakit ang kapal ng mukha mong utusan ako?"

"Tsk, edi wag. May nalaman pa naman ako tungkol kay Cleofa ngayon."


Padabog akong tumayo at pumunta sa kusina ng guild. May araw rin sa akin yung kupal na 'yon.

Bakit pa kasi siya ang laging nandito. Bihira ko lang makita si Zail lalo na makausap. Mas okay pa kung siya uutos sa akin kesa tong kutong lupang 'to.

Pagtapos kong magtimpla ay dinala ko rin ito kaagad kay Rivan.

"Thank you my kind junior!" Nakangising sambit ni gago.

"Oh kupal, ano yung nalaman mo."


Mas lalong lumawak ang ngisi ni Rivan sa akin. Dahan-dahan itong lumapit at bumulong sa akin.

"The day after tomorrow,"

"Is Cleofa's birthday."


Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Natigilan ako sa sinabi ni Rivan. "A-Are you serious?!" Marahang tanong ko rito.

"Yup!" Masiglang sagot niya.

Bago ako magsaya sa nalaman ko ay sinigurado ko munang tama ang pagkakaalam ni Rivan.

"Saan mo nalaman?" Seryosong sambit ko rito.

"Duh! Bestfriends kaya kami ni Zail! Natural lang na nabanggit niya sa akin 'yon." Punong-puno sa sariling sagot nito.

Napaismid ako. Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kupal na 'to. Hindi ko nga maitatangging close sila ni Zail. Feeling close siya kay Zail, rather.

I clicked my tongue before giving him a lazy look. Matapos niyang sabihin 'yon ay dumeretso ka agad ako sa Quest Board.

Lintik na timing 'to. Kakabayad ko pa lang sa gintong dorm namin at wala akong pera ngayon.

Kaya kailangan kong gumawa ng mission ngayon. Sa isang araw na ang birthday ni Cleofa, ibig sabihin ay bukas lang ang meron ako. Bali kailangan ko ng mabilis na mission na malaki ang bayad.

"Oh, Helix? Hindi ba kakagaling mo lang sa mission?"

Nabigla ako nang may nagsalita sa gilid ko. Hindi ko napansin na nasa gilid ko pala si Seiko na kapwa ko ay tumitingin din ng pwedeng kunin na mission.

She's one of the 7 crowns of the Deities at kailan lamang namin siya nakilala. Bihira lang din kasi itong bumalik sa guild dahil pagkatapos daw nitong makatapos ng mission ay bumabalik lang ito para kumuha ulit.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now