6. Hephaestus' Heir

76.9K 4.2K 1.2K
                                    

SUMABAY sa paggalaw ng hangin ang mga puno dulot ng paghampas ng mga pakpak ng nilalang na nasa harapan namin.

Flying in the blue sky, her white scales made her the center of our attention. Nang makarating siya sa puwesto namin ay nangingibabaw siya sa lahat ng asul na puno rito sa gubat.

My eyes slowly flickered with excitement, and my lips curved into a smile. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko habang nakatingin sa puting wyvern.

She's beautiful!

"I-Is that a d-dragon?" nauutal na sambit ni Risca.

Napunta ang tingin ko rito na hindi makapaniwala sa nakikita niya. I heaved a sigh before shaking my head.

"I thought you're smart? She's a wyvern," sagot ko sa kaniya.

Wyverns are different from dragons. It only has two legs, while dragons have four or more. Muli kong tiningnan ang asong tatlo ang ulo at laking tuwa ko nang huminto ito sa pagsugod sa amin.

"Nice," rinig kong sambit ng isang lalaki. Napasipol pa siya.

Napunta ang atensyon ko sa amo nitong may pakana ng lahat. Nakatingin ito sa familiar ko habang nakangiti. He's still fixing his loose necktie. Nalipat ang tingin niya sa akin na agad kong sinamaan ng tingin.

Ano ba talaga ang gusto niya? Muntik na niya 'kong mapatay!

"Are you happy now? Nakuha mo na ang familiar mo," nakangising sambit niya.

Kasunod n'on ay ang pagtalikod niya sa akin at nagsimula na itong maglakad na parang walang nangyari. Hindi agad ako naka-react sa ginawa niya.

That's it? He's just leaving

Natauhan ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa akin bago nito i-summon ang familiar niya.

"Want my help?"

Malalim akong napaisip at doon ko napagtanto ang balak niya. Agad ko siyang sinundan at pinahinto. "Hey, wait!"

He stopped walking without looking back at me.

"Inaasahan mo bang mangyayari 'to? Kaya mo 'yon ginawa?" marahang tanong ko rito.

I heard him chuckle before shaking his head. "Nah, I'm just interested. Ikaw pa rin ang nakapag-summon niyan."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng uniporme ko. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko pa rin. "Thanks."

Huminga ako nang malalim matapos kong magpasalamat sa kaniya. Siya pa rin ang tumulong sa akin na i-summon ang familiar ko . . . and I should thank him for that.

He didn't waste his time answering me. Muli itong humakbang paalis nang nakarinig ako ng pahabol niyang sinabi.

"You're really special."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tatanungin ko dapat siya kung ano ang ibig niyang sabihin, pero nagpatuloy lang siyang maglakad papalayo sa akin.

Guniguni ko lang ba 'yong huli niyang sinabi?

Ipinilig ko ang ulo ko. Baka guniguni ko nga lang.

Muli kong binalikan si Risca na nakaupo sa lupa at ang familiar ko.

My familiar leaned over to me. Her scales look like pearls because they're pure white. Halos kasinlaki ko lang din ang mga mata niya.

"You should name her," sabi ni Risca sa akin.

Napunta ang tingin ko sa kaniya habang nanatili naman siyang nakatingin sa familiar ko. Naramdaman ko ring hinihintay nito ang pagpapangalan ko sa kaniya.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now