I GULPED as I stared in front of me. Nakasakay kami ngayon sa kalesa. Kasama ko sina Risca, Aqua at si King. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sasama sa amin si King. Kahit na pinigilan siya ni Aqua na sumama ay wala itong nagawa. Mas matigas ang ulo niya kaysa sa amin.
"U-Uhm, puwede magtanong? Saan tayo pupunta?"
Nabasag ang katahimikan nang magtanong si Risca. Maski ako ay hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ngayon ko lang naisip, balak naming sundan sina Helix pero hindi namin alam kung nasaan sila. Ang talino mo talaga, Cleofa.
King flashed a smile. "Resoir—also known as the wet town."
Parehong kumunot ang noo namin ni Risca sa sagot ni King. Resoir? Wet town? Saan 'yon?
Tumagal ng ilang oras ang biyahe at nabigla na lang ako nang sikuhin ako ni Risca.
"Psst."
Napalingon ako rito at dahan-dahan itong lumapit sa akin. "By the way, paano mo nagawa 'yon?" marahang tanong niya.
My forehead furrowed as I gave her a confused look. "Huh?"
"Tsk! Stupid! Iyong nakipaglaban tayo kay Aqua, paano mo nagawa 'yon?" pag-uulit niya.
Sinubukan ni Risca na hinaan ang boses niya para hindi marinig ng nasa harap namin. Nasa harap ang tingin niya habang pasimple akong kinakausap.
What she said caught my attention. Dahil nabanggit niya 'yon ay napaisip na rin ako. Sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.
I don't know how it happened. Basta bigla na lang 'yon nangyari.
"I-I don't know."
Risca's forehead furrowed and her pupils flared. "H-Huh?! Anong hindi mo alam? Nawala 'yong gift ni Aqua kanina! Kahit siya ay hindi rin inaasahan na mangyayari 'yon!"
Kahit paulit-ulit pa 'kong tanungin ni Risca ay hindi ko alam ang sagot. Si Angel ang gumawa n'on, at hindi ko alam kung paano.
"Isipin mo—"
Nahinto sa pagsasalita si Risca nang umingay ang bubong ng kalesa. Nagsimulang magsibagsakan ang mga tubig sa itaas.
We both looked at each other, confused. Umuulan?
Sabay kaming napasilip sa bintana at nakita nga namin na umuulan.
"Nandito na tayo, we're in Resoir, the wet town or the town where the rain never stops," sambit ni Aqua.
Pareho kaming napahanga ni Risca sa sinabi nito. Parehong namilog ang mga mata namin at napaawang ang mga bibig.
Bayan na kung saan hindi humihinto 'yong pag-ulan?!
Nagtagal din ng ilang minuto nang huminto ang kalesa. Ibinaba kami nito sa parang terminal kung saan namimigay sila ng mga payong sa mga bagong dating. I took a glance at my surroundings. Makulimlim ang langit at tunog ng ulan at mga tao ang bumubuhay sa paligid.
"Stay close," sambit ni Aqua.
Sumunod kami sa kaniya at lumapit sa kanila ni King. Nabigla ako nang nag-abot ng jacket sa akin ang guild's master namin.
"H-Huh?" pagtataka ko.
"You're just wearing a shirt. Kita ang tattoo mo, takpan mo 'yan dahil hindi tayo welcome rito."
Nabigla ako sa sinabi niya at agad kong kinuha ang jacket at isinuot ito. Ngayon ko lang napansin na hindi ko nakikita ang mga tattoo nila. Naglakad kami sa kalagitnaan ng mga tao rito. Nauuna sa amin si King habang nakasunod lamang kami sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...