NAIWANG nakaawang ang bibig ko sa narinig. Para akong nabingi at hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng lalaking kaharap ko.
Paano niya nagagawang sabihin sa akin 'yan? Ako na pinalaki niya?
"Ano'ng ginawa namin sa 'yo?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tito Alejo shook his head and heaved a sigh. "Oh, it's not you dear . . . your mom."
Natigilan ako sa sinabi niya. My forehead furrowed as I gave him a look of disbelief.
Naguguluhan ako! Ano'ng kinalaman ni Mama rito?!
"I should have had Cronus' gift. Not her," dagdag niya.
Parang bumagal ang takbo ng oras. Naglaho ang pagkakunot ng noo ko. Nasagot ang lahat ng mga katanungan ko . . .
Mula nang makilala ko si Zail, iniisip ko kung bakit ito nangyari sa pamilya namin. Kung bakit may gustong kumuha sa akin.
"That's why you killed her? Because you're f*cking jealous of her gift?!" I exclaimed.
Pinalakpakan ako ni Tito Alejo sa sinabi ko. "Yup! Very good, princess!" nakangiting sagot niya.
Mas lalo akong nanlumo sa sinabi niya. Nasira ang pamilya namin, namatay ang mga magulang ko, at nararanasan namin ito ngayon dahil lang sa pagkainggit niya sa sarili niyang kapatid?!
"Kung gano'n, bakit?! Bakit umabot pa sa ganito?! Nasa sa 'yo na 'ko mula bata pa lamang ako!"
Umiling-iling si Tito Alejo sa sinabi ko. "Tsk, hindi gano'n kadali 'yon, princess," pangunguna niya. "Let's start from the beginning!"
Naglakad ito nang pabalik-balik sa silid nang nakakrus ang mga braso. He looks like he's really thinking hard while walking.
"Matagal na 'kong miyembro ng Trejon guild, Cleofa, bago pa lamang naging Dark Guild itong guild. Noong normal na guild pa lamang ito at nasa ilalim pa ng pangangalaga ng mga academy, nandito na 'ko, princess," umpisa niya. "Pero kahit miyembro na 'ko nito, matagal na 'kong may tinatagong galit sa kapatid ko—your mom."
Matalim ko siyang tiningnan at unti-unti na namang kumukuyom ang kamao ko sa mga sinasabi niya.
"Then I've decided! If I can't have her gift, then I should have better! That's why I want to summon a Titan! Sakto naman at nawala ang koneksyon ng guild na 'to sa mga academy. Kaya naging Dark Guild na ito." He laughed like a psycho. "Our goal is to use your mom as a sacrifice! But then, ang walang-kuwentang nanay mo ay nagdadalang-tao sa pesteng iyon!"
Mabilis na natigil ang pagtawa niya. Itinuro ni Tito Alejo ang kapatid kong si Zail habang nanggagalaiti. Nahihirapang imulat ng kapatid ko ang mga mata niya.
"Tsk! Walang-kuwenta! Ni hindi man lang nakuha ang gift ng mama niya!" naiinis na sambit ni Tito Alejo. But then again, as if a button was clicked and his expression changed. "But then, you were born, my princess," maamong dagdag niya.
Muling bumalik ang pagkurba ng labi niya. Sinubukan uli akong lapitan ni Tito Alejo pero agad na humarang uli si Bacon. He raised both of his hands and brows before stepping back once again.
"But it's not easy to get you. Lalo na't may mga nagbabantay sa 'yo. But thanks to the help of the Trejon guild, nagawa nilang paghiwalayin ang mga magulang n'yo."
"Akala 'ata nila ay mas ligtas kung maghihiwalay sila para hindi sila mahanap ng Trejon. Ang hindi nila alam ay ako ang mastermind."
Napaismid ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Dumudugo na ang palad ko sa riin ng pagkakabaon ng sarili kong mga kuko.
"And that's it! Nalapit ka sa akin, princess! Ang nag-iisang sagabal na lamang ay ang mama mo. Pero madali ko lang naman siyang nasolusyonan."
Hindi ako makaimik sa mga sinasabi niya. Ang dali lamang sa kaniyang sabihin ang mga kasalanang ginawa niya. Ni hindi man lang siya nag-alangan. Hindi ko magawang makapagsalita. My heart keeps aching.
"And all I have to do is wait for you to awaken your gift. I gave you medicines, so why did it take long for you to awaken it?"
I was taken aback by his answer. Bumigat ang balikat ko at tuluyan akong nawalan ng lakas.
I thought . . . it was for my sickness?
"I didn't want you to know about your gift. Para naman masabi mo na namuhay kang normal at mamamatay rin nang normal . . . I planned that you'd die because of your sickness . . . though, hindi inaasahan na may sasagabal na naman."
Tito Alejo's expression once again changed. Lumapit siya kay Zail at iniangat ang ulo nito sa pamamagitan ng pagsabunot sa buhok nito.
"S-Stop!" sambit ko.
"Lintik 'tong buwisit na 'to. Sino'ng mag-aakalang mahahanap ka niya?!" inis na sambit ni Tito.
Agad rin niyang binitiwan ang buhok ni Zail. Nandidiri niyang pinunasan ang kamay niyang puno ng dugo at pawis ng kapatid ko.
"Tsk, I don't have a choice. Kailangan kitang ipadala sa academy. Para hindi ka makuha ng tangang 'yon. Mas mapapadali rin ang paggising ng kapangyarihan mo kapag naroon ka. Ang pagkakamali naman ng academy ay hindi ka nila nakilala. Mga tanga!
"Napagdesisyonan kong ipakuha ka sa Trejon guild sa oras na magamit mo na ang gift mo. Mga walang-kuwenta, hindi naman nila magawa." Napasabunot na lamang sa sarili niya si Tito Alejo.
Parang ibang tao siya . . . hindi ko lubos maisip na sa kabila ng ilang taong pinagsamahan namin, tinrato ko siyang magulang. Tanging ang gift ko lang pala ang habol niya.
"Kaya be a good girl, ha? Sumunod ka na lang kay Tito."
Kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko ay sinubukan kong tumayo. "Ikaw ang pinakatanga rito," sambit ko.
Tito's expression changed. Hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Isang malaking pagkakamali mo ay ang pagdala sa akin sa academy! Masyado kang nagpabaya. But thanks to that, magagawa naman naming pigilan ang plano mo!" giit ko.
Imbis na kabahan ay kumurba ang ngisi sa labi ni Tito at umalingawngaw ang malakas nitong tawa.
"Paano?! Sa pagsira ng mga pillar?!" natatawang sambit niya.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang biglang may ahas na sumulpot kay Tito Alejo. Gumagapang ito sa katawan niya. The same snake that bit Helix.
"Na-meet mo na ba ang familiar ko?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. I was suddenly got frozen in my place.
"You see, sa oras na tinuklaw ka niya, wala ka nang magagawa pa. Sa oras na gamitin mo ang gift mo, unti-unting kakalat ang lason sa katawan mo hanggang sa mamatay ka."
Fear crossed my face. Nanlumo ako sa sinabi niya. Agad kong hinanap sa mga monitor ng silid kung nasaan si Helix.
Napako ang tingin ko sa isang silid. Helix is still destroying the pillars. Kitang-kita rito na may kumakalat na itim na likido sa katawan niya. Pero ipinagpapatuloy niya pa rin ang pagsira sa mga natitirang pillars.
"Helix! Stop!" pagpigil ko.
Lalong umalingawngaw ang tawa ni Tito Alejo sa reaksiyon ko. Sh*t! Sh*t! Sh*t!
I felt my eyes change as I adopted Tito Alejo's gift. Agad kong pinatulis ang kaliwang kamay ko.
"Nah-uh, you can't kill me, princess! May mga bombang nakatanim sa bawat parte ng guild. Sa oras na huminto sa pagtibok ang puso ko, boom! Patay kayong lahat!"
Para akong nabingi at wala na 'kong narinig pa. Nanlalabo man ang mga mata, kusang kumilos mag-isa ang katawan ko.
Parang bumagal ang pagtakbo ng oras at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap niya. Naramdaman kong tumutulo ang dugo niya sa braso ko nang sinaksak ko siya sa dibdib.
I bit my lower lip as I watched Tito Alejo give me a shocked look.
"I'm sorry, you made me do it."
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...