22. King

59.3K 2.9K 545
                                    

I WAS too surprised to utter a word. Pareho-pareho kaming natigilan sa sinabi ni Rivan. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang matauhan ako sa sinabi niya. Even Helix and the mouths of others were half open. Hindi namin mapigilan ang pagka-excite. Halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang pangalang binitiwan ni Rivan. Makikilala ko na rin si King. Mami-meet ko na ang tinitingala ng Deities . . . ang taong pinakamalakas sa guild namin.

I flashed a smile. King is back!

Hindi nag-aksaya ng oras ang mga kasama ko at pare-pareho kaming gustong pumunta sa guild. Akmang kikilos na kami para dumeretso sa guild nang may isang namumukod-tanging tumakbo agad at hindi kami hinintay.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko nang maagaw ng tingin ko ang asul niyang buhok nang dumaan siya sa gilid ko.

Si Aqua.

Nakuha ng inakto niya ang atensyon ko at pinanood ko siyang tumakbo pauna sa guild. Gano'n niya ba ka-miss si King?

Nang makapunta kami sa guild ay agaw-pansin ang ibang Deities na nagkukumpulan sa loob. All the seats are occupied and it's louder than usual. Himala at parang puno ngayon ang guild. Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa loob at napako ang tingin ko sa gitna.

Kusang namilog ang mga mata ko nang masilayan ang lalaking prenteng nakaupo sa gitna na pinakahihintay ng lahat. Nakakurba ang labi niya ng isang ngiti habang nakikinig sa iba-iba at sunod-sunod na kuwento ng mga miyembro na nandito.

King is sitting at one of the tables, laughing with the other Deities.

I was suddenly frozen in my place, stunned.

Kahit unang beses ko pa lang siyang nakita ay nalaman ko na agad na siya si King. He has ash-brown hair and dark brown eyes. He's just wearing a plain white shirt and jeans. But the aura he has just hit differently.

Kahit nagkukumpulan ang mga miyembro ng guild ay mayroon pa ring nangingibabaw sa kaniya. There is something in him that is different from others. I can somehow know that he's King. Na parang nakikilala ko siya dahil sa pagiging Deity ko.

A Deity knows their King.

"Keon!"

Natigilan ang lahat nang marinig ang boses ng isa pang nakatataas ... si Aqua. Mabilis siyang naglakad papunta sa bagong dating na miyembro ng guild. Nagbigay ng daanan ang mga Deities para kay Aqua.

Nakangiting lumapit si Aqua kay King. Pero nang tuluyan itong nakalapit dito ay unti-unting nawala ang mga ngiti nito.

I felt something strange when I saw Aqua's smile disappear. A hint of sadness appeared in her eyes.

"O-Oh, welcome back." Aqua flashed a smile. Para bang nawala ang pagka-excite nito nang tuluyang nakita si King.

I also saw King's expression change, but he remained smiling. "I'm back."

"Simulan na ang kasiyahan!" sambit ng isang Deity.

Umalingawngaw ang mga sigawan ng lahat ng miyembro ng guild. Sobrang saya ng Deities at nagkaroon pa ng pagdiriwang para sa pagbabalik ni King.

He is already a master, kaya inaasahan na siya lang mag-isa ang gumagawa ng mga mission. His last mission lasted for 3 months. Kaya grabe na lang magdiwang ang mga Deity sa pagbabalik niya.

"Cleofa, inom!"

Nabigla ako nang lumapit sa akin si Rivan na may dalang alak. "'Wag kang mag-alala, hindi naman tayo pakikialaman ng academy rito," natatawang sabi nito.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon