1. Sickness

152K 4.8K 1.5K
                                    

"Their eyes are different; it changes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Their eyes are different; it changes."

"It can turn blue like the ocean and gray like a smoke."

"It can burn like a fire and have letters and words like a book."

"Have you heard of them?"

"They're the Gifteds."

"Heir and Heiresses of different Gods and Goddesses."

"Now look in the mirror and stare at your eyes."

"From whom do you inherit your gift?"

NAGISING ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Mariin akong napapikit at isinara nang maayos ang kurtina.

Tsk, I always fix the curtains before going to sleep. Nang sa gano'n ay hindi ako tatamaan ng sikat ng araw sa umaga. Pero sa hindi malamang dahilan ay laging nakabukas ito paggising ko.

Iritado akong bumangon sa kama at nag-ayos ng sarili. Humihikab pa ako habang inaayusan ang sarili sa harap ng salamin.

I felt something vibrating on my wrist. Napatingin ako rito. It's a special watch that was made just for me. Napasimangot ako nang makita ang oras. It's time for me to eat breakfast.

Importante na palaging nasa oras ang kain ko dahil kakailangin ko pang uminom ng gamot. At kapag sinabi kong gamot ay hindi lang ito basta-basta dalawa o tatlong tableta lang. Anim ang kailangan kong inumin tuwing agahan, hindi pa kasama roon ang vitamins at ang mga iinumin ko pa sa tanghali at gabi.

Well . . . I'm sick . . . really sick.

To the point na kahit ako ay hindi man lang alam kung anong sakit ba talaga ang mayroon ako.

All I know is that I'm sick, I have to take medicines, I can't go outside, and I can't even wander around my own house.

I fixed myself before leaving my room. Sinuklay ko ang mahaba, medyo kulot, at may pagka-brown kong buhok. I wore a light yellow sundress that enhances my fair and slightly pale skin.

Kaswal akong bumaba at pumunta sa kusina kung saan naabutan ko si Tito Alejo na nag-aalmusal.

"Good morning, Cleofa," bati niya sa akin.

I flashed a smile. "Good morning."

Nang makaupo ay mabilis akong ipinaghain ng mga katulong. Tahimik lamang kaming dalawa ng tito ko na kumakain habang nagbabasa siya ng diyaryo.

"Tito, puwede bang pakisabihan naman ang kapitbahay natin?" I started a conversation.

Nakuha ko ang atensyon niya, pero hindi nawawala ang tingin niya sa binabasa.

"For what, princess?" Tito asked.

"It's their dogs . . . lagi na lang akong naaalimpungatan kapag gabi dahil sa mga alulong nila."

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon