37. Back to the Academy

66.8K 3.5K 957
                                    

KINABUKASAN ay naghanda na kaming lahat. Babalik kami sa academy upang ipaalam sa nakatataas ang binabalak ng Trejon guild . . . and to know my gift.

"Good luck, okay? Malalaman mo rin ang gift mo," sambit ni Zail. Hinalikan niya ako sa noo bago ako yakapin nang mahigpit. "Pagtapos nito, magsasama na tayo," dagdag niya.

I bit my lower lip. Tila kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Magpapaiwan dito sa city na 'to si Zail. Sabi niya ay mas mabuti na raw kung mayroon pa ring nagbabantay sa Trejon. No'ng una ay hindi ako pumayag pero wala akong nagawa dahil buo na ang desisyon niya.

"Mag-iingat ka, ha?" paalala ni Zail. Isang matamis na ngiti ang ipinakita nito sa akin.

"Siyempre, ako pa!" I faked a smile.

He flashed a smile once again before glancing at someone. "Teka lang ah, magpapaalam lang ako kay Sungit." Tinapunan niya ng tingin ang babaeng asul ang buhok at walang-imik.

Isang ngiti at tango ang isinagot ko sa sinabi niya. Alam kong hindi pa tuluyang napapatawad ni Aqua si Zail, pero hindi maipagkakaila na hindi niya rin ito matiis.

"Alam kong kapatid mo siya, pero ganito ang nararamdaman ko? Tsk."

Napatingin ako kay Helix nang mapansin kong may ibinubulong ito sa sarili niya. "What? Ano'ng pinagsasasabi mo riyan, baliw?" giit ko rito.

Napansin ko ang biglang pamumula ng pisngi niya sa sinabi ko. He bit his lower lip and looked in the opposite direction.

My forehead furrowed. Nilalagnat ba ang mokong na 'to?

"Wala! Ang pangit mo!" pang-aasar niya.

Napasimangot ako sa sinabi niya. Kailan ba siya may sinabi na maganda sa akin?! Buwisit!

Muli ko na lang itinuon ang atensyon ko kina Zail at Aqua. Saktong paglipat ko ng tingin sa kanila ay hindi ko inaasahan ang nangyari.

Aqua and I were both shocked when my brother hugged her.

Namula ang pisngi nito sa ginawa ng kapatid ko. "T-Tsk! Hindi pa kita napapatawad, okay?! Kaya siguraduhin mong babalik ka pa!" giit nito kay Zail.

Natawa ang kapatid ko sa sinabi ni Aqua. "Opo."

I flashed a smile while watching them. Naalala ko, no'ng unang beses na nagkita kami ni Aqua . . . may sinabi siya sa akin.

"You really look like someone I know."

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi kaya si Zail ang tinutukoy niya no'n?

Hindi rin nagpahuli sina King at Kyera at nagpaalam din sila sa kapatid ko.

"I still hate you, Raven," may tonong sambit ni Kyera kay Zail. Napaiwas siya ng tingin kasabay ng paglambot ng ekspresyon niya. "But thank you, iniligtas mo ang buhay namin."

"I know, puma. Babawi ako sa 'yo," sagot ng kapatid ko. Umismid na lamang si Kyera sa sagot ni Zail sa kaniya.

"Kami na ang bahala sa pagsasabi sa academy. Mag-iingat ka rito, ah? We need you, Raven," nakangiting sambit ni King kay Zail. Nag-fist bump ang magkaibigan na sinundan ng isang yakap. "We'll come back; be careful," dagdag ni King.

Sa huling pagkakataon ay yumakap ako sa kapatid ko bago umalis. Masakit isipin na ngayon pa lamang kami nagkita ay kailangan na naming maghiwalay agad.

Tuluyan na kaming sumakay sa kalesa at nagsimulang umalis. Napansin ni Aqua na silip ako nang silip sa bintana ng kalesa.

"Don't worry, trust him. He's the second-strongest member of our guild, after all," sambit niya sa akin.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon