46. The Bitch Heiress

49.3K 2.5K 567
                                    

HUMAHAMPAS sa amin ang malamig na hangin dahil sa bilis ng takbo ng cerberus. Malapit na kami sa silid kung nasaan si Zail nang may naramdaman akong sumusunod sa amin. Hindi lang ako ang nakapansin n'on dahil naging alerto rin si Risca.

"Cleofa."

Napatingin ako kay Risca nang tinawag ako nito. "Make sure to get your brother, okay?" sambit niya. Both of my eyebrows rose. Nabigla ako nang bigla itong tumalon pababa kay Bacon.

Agad kong pinahinto si Bacon sa ginawa niya. "What the heck are you doing?!"

I looked at her, confused. Hindi ako nagawang lingunin ni Risca. "Paying my debt, b*tch."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano'ng sinasabi mo, ha?! Ako nga ang may malaking utang sa 'yo!"

I bit my lower lip as I watched Risca start to walk away from me.

"Nah, ito na ang bayad ko sa 'yo," pagbalik niya. "Being an only daughter sucks, you know? I'm really a freaking spoiled little brat."

"Ito na ang bayad ko sa 'yo. For showing me what a family is like, though puro g*go and weirdo ang mga nasa guild. For making me risk my life because of your stupid decisions."

I was taken aback by her answer. Naramdaman ko ang paglambot ng puso ko. Natauhan ako sa sinabi niya. Unti-unting bumalik ang mga alaala na mayroon ako kay Risca.

I really hate her at first. She's a freaking spoiled at masama ang tabas ng dila niya. Though, hindi ko inaasahan na mapupunta kami sa iisang guild and freaking team. Lagi rin siyang nadadamay sa mga desisyon na ginagawa ko. Ang pagtulong sa isang village, ang pagsunod kina Helix at Alvis no'ng sinama sila ng Avelites, at ang pagsama sa 'kin ngayon sa pagligtas sa kapatid ko.

"I really freaking hate you . . . sobra. But I guess, it's a part of being sisters." I saw the corner of her lips curve. "I've never enjoyed life . . . not until now . . . adventures, traveling, and I guess . . . risking our lives?" She chuckled.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa sinabi ni Risca. I bit my lower lip to prevent myself from crying. Pareho kaming nabigla nang may dalawang gifted ang sumulpot sa harapan niya.

"R-Risca!"

Bababa na dapat ako kay Bacon upang tulungan siya nang agad niya akong pinigilan.

"You, b*tch! Puntahan mo na ang kapatid mo!" giit niya. A huge wall made of water appeared between us.

"Mga pangit! Walang makalalagpas sa inyo!" sambit ni Risca sa dalawang gifted na kaharap niya.

"R-Risca . . ."

Nilingon ako ni Risca. She flashed a smile and gave me a reassuring look.

"Ako na bahala rito! Ako ang susunod sa mga yapak ni Aqua! Tandaan mo 'yan!"

I bit my lower lip to prevent myself from crying more. I flashed a smile and nodded. "Don't die, b*tch," sambit ko.

"Ako dapat ang magsabi niyan."

Mariin akong napahawak sa ibabang uniporme ko bago tumalikod. Kahit nahihirapan akong gawin ay iniwan ko si Risca roon at nagpatuloy kami ni Bacon sa pagpunta kay Zail.

That b*tch heiress . . .

She better live.

₪₪₪₪₪₪₪₪

HINDI nagtagal ay nakarating na kami sa dulong silid. Kumpara sa ibang mga pintuan, mas malaki ito at dalawa. May kung ano-anong simbolong nakaukit at nakadikit sa labas nito. Agad akong bumaba kay Bacon. Ito ang silid na tinutukoy ni Jester.

I took a deep breath. Nandito sa loob ng silid na ito ang kapatid ko. Pati na rin ang master ng guild na 'to—ang may pakana ng lahat.

Kahit nararamdaman kong nanghihina ang buong katawan ko ay binuksan ko ang pinto. Pigil-hininga kong pinihit ang doorknob. Rinig ko ang pagbukas ng malaking pinto. Bumungad sa akin ang isang kuwarto na puno ng mga malalaking monitor kung saan nakikita ang bawat kuwarto at sulok ng guild. Kahit ang labas ng guild ay nakikita rin dito.

My eyes slowly widened when I saw a familiar face in the middle part of the room. Nanginig ang buong katawan ko nang makita si Zail. Nakatali siya sa isang upuan, naliligo siya sa sarili niyang dugo.

Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Sigurado akong hindi basta-bastang tali ang ginamit nila kay Zail. Dahil kung ordinaryong tali lamang ito ay sigurado akong magagawang makatakas ni Zail dahil sa gift niya.

I gritted my teeth and my eyes blazed with anger. Humigpit ang pagkuyom ng mga kamao ko.

Nasaan ang master ng guild na ito?!

Agad kong inilibot ang tingin ko sa loob ng silid. Napako ang tingin ko sa lalaking nakatalikod. Kusang lumuwag ang pagkakasara ng kamao ko at dahan-dahan akong napakurap-kurap. Para akong nabingi. Tanging pagtibok lang ng puso ko ang aking naririnig.

Nakatutok ang mga mata ko sa kaniya.

Isang pamilyar na lalaki.

Ang lalaking nagpalaki sa akin.

Ang lalaking tumayong magulang ko.

"T-Tito Alejo?"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. It felt like time stopped moving and my knees would break down at any moment. Unti-unti siyang lumingon sa akin na nagpatama sa hinala ko. Kumurba ang labi niya at sinalubong ako ng isang ngiti.

"O, princess! Nandito ka na pala!"

Naglaho ang ekspresyon ko sa mukha. Napaluhod ako nang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at nahihirapan na akong huminga.

Imposible . . .

Nananaginip lang ba ako? Hindi ito maaari. Ano'ng ginagawa niya rito?

"C-Cleofa."

Kahit hirap na hirap ay nagawa akong tawagin ng kapatid ko. "U-Umalis na kayo," aniya.

Lumapit si Tito Alejo kay Zail. I felt the chills down my spine when I saw his eyes turn gray. Nagbago ang kamay niya at naging patalim ito. Walang pag-aalinlangang sinaksak ni Tito Alejo ang kapatid ko sa sikmura.

"Zail!"

"Tutal wala ka nang silbi, mas mabuting mawala ka na," sambit ni Tito Alejo.

Kusang nagdilim ang paningin ko sa ginawa niya. "Ano'ng ginagawa mo?!"

Napunta ang tingin sa akin ni Tito Alejo at umalingawngaw ang nakakairitang tawa niya. I bit my lower lip. Parang hindi siya ang lalaking nakilala ko . . .

Parang hindi siya ang naging magulang ko ng mga nakalipas na taon.

"B-Bakit?" hindi makapaniwalang sambit ko.

'Yon lamang ang tanging naitanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko. Nanghina ako nang makita siya.

Inosenteng napatingin ang lalaking kaharap ko sa kamay niyang gawa sa patalim. "Bakit? Bakit nga ba, princess?"

Akmang lalapit siya sa akin nang agad humarang si Bacon sa harap ko. He immediately stepped back and chuckled.

"Oops! Kaninong alaga 'yan?" natatawang sambit niya.

Nag-igting ang bagang ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit.

Paano niya nagawa sa amin 'to?! Kamag-anak namin siya!

Mapang-asar niya 'kong tiningnan. "'Wag ka sanang magalit, princess. Kinukuha ko lang naman ang dapat na sa akin," kaswal niyang sambit.

"Kaya okay lang naman siguro kung buhay mo ang kapalit, hindi ba? I mean,ako naman ang nagpalaki sa 'yo."


Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now