26. Plan B

55.5K 2.8K 556
                                    

"HUH? But you're the heiress of—"

Hindi naituloy ni Eva ang sasabihin niya nang bigla na lamang itong huminto. Parang mabilis na nagbago ang ihip ng hangin at sa isang iglap, naglaho ang emosyon sa mukha niya. Her face went blank.

"Heiress of whom?"

"Sshh."

Sumenyas sa akin si Eva na tumahimik na mabilis kong ginawa. Sinimulan niyang ilibot ang paningin niya na para bang may pinapakiramdaman siya.

She immediately caught my attention. Agad akong napatingin sa paligid namin dahil sa inakto niya. Anong meron?

"They're here," seryosong sambit ni Eva.

The atmosphere suddenly changed. Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. "W-Who?"

Imbis na sagutin ako ni Eva ay inaya ako nito. "Follow me."

She turned into a phoenix. Sinuong niya ang ulan at pumunta sa kung saan. Mariin akong napakagat sa ibabang labi.

Kahit na hindi ko alam ang nangyayari ay dahan-dahan akong lumabas para sumunod sa kaniya. Malamang at sa malamang ay yari ako mamaya kay Aqua kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam.

I tiptoed outside and carefully closed the door. Kumuha ako ng payong at sinuong ko rin ang ulan sa labas ng inn. Mabilis akong napatingin sa magkabilang gilid ko para hanapin ang babaeng sinusundan ko.

Hindi ko alam kung anong oras na. Napakaraming tao pa rin na naglalakad sa labas. Sobrang liwanag ng paligid. I casually walked in the rain to blend in with the crowd. Some neon lights are already blinking as if they never turn it off.

Mabilis na nakuha ang pansin ko nang may nakita akong babaeng hawig ni Eva na pumunta sa isang eskinita. Hindi ako nag-aksaya ng oras at nagmadali akong sumunod sa kaniya. Rinig ko ang bawat pagtapak ko sa mga putik at mga basang sementong natatapakan ko.

Inakala kong isang pamilyar na babae ang bubungad sa akin pero nabitiwan ko na lang ang payong ko sa sumalubong sa akin. The lady that I'm following is biting a guy. Her eyes are color red.

Kahit hindi ko pa sila nababasa sa libro sa academy ay hindi ako tanga para hindi malaman kung ano sila.

She's none other than a vampire.

I was frozen in my place and couldn't utter a word. Natauhan na lamang ako nang tumingin sa akin ang babae habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"Oh, another food."

Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa narinig. Natagpuan ko ang sarili kong dahan-dahan na humakbang paatras. I can feel my heartbeat pounding fast. Napalunok ako nang malalim at hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya. Natigilan na lamang ako nang may nabangga ako sa likod.

"Saan ka pupunta, miss?" sambit ng isang lalaki.

Mabilis akong napalingon sa lalaking nag-aabang sa likod ko. My eyes widened and my jaw dropped when I saw another pair of red eyes.

"Bakit hindi ka muna sumama sa amin—"

Sinubukang hawakan ng lalaki ang braso ko pero bigla itong natigilan. Agad siyang lumayo sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Fear crossed his face and he gave me a scared look.

"S-Sh*t, she belongs to a guild. A f*cking gifted," nauutal na sambit niya.

Napaismid ang babae sa sinabi ng lalaking kasama niya. Doon ko napagtanto na nakalimutan ko palang takpan ang tattoo ko. Mabilis akong napahawak sa pulso ko.

Yari na talaga ako kay Aqua.

"We don't want trouble. We're just minding our own business," sambit ng babae sa akin.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat