"Wow. Thanks." Tinaniman niya muna ako ng halik sa pisngi bago kinuha sa akin ang shoulder bag ko pati na ang portfolio ko. "Halika."

"Hi, Madam!" bati nila kaya tulad ng ginawa ko kanina, kinawayan ko sila ng bahagya habang nakangiti bago bumati pabalik.

"Sobrang dami ba ng ginagawa niyo? I'm I disturbing you guys?" nag-aalalang tanong ko dahil ang dami ng mga papel na nakakalat sa lamesa na pinupwestuhan nila.

"Huwag ka lang maingay then you're good." Inilapag niya iyong paperbag sa lamesa pagkalapit namin rito. "Kumain na kayo."

"Thank you, Madam!" sabay-sabay na pasasalamat ng mga ito habang nakangiti bago kumuha sa paperbag ng sandwich.

"Akin na iyan." Kinuha ko sa kaniya iyong bag ko pati na iyong portfolio saka ako pumwesto sa gilid ng room kung saan may mga upuan at lamesa. "Don't mind me. Tapusin niyo na pag-re-review niyo para sa Olympiads."

Tumango siya saka umupo sa upuan niya. "Tahimik naman rito. Just do your thing and be quiet." Ngumiti siya't kinindatan ako bago pumuhit paharap sa mga kasama niyang busy sa pag-so-solve ng equations.

Hindi ko alam kung nakakaistorbo ako sa kanila kaya medyo na-ba-bother ako. Sa kaniya kasi, alam kong okay lang na nandito ako pero paano naman sa mga kasama niya? Hindi bale. Nabigyan ko naman sila ng sandwich kaya feeling ko okay na ako sa kanila.

Hindi sana ako rito gagawa ng designs. Initial plan ko, sa library na lang pero nanduon ngayon si Trista para gumawa rin ng designs. Hindi naman puwede sa room namin dahil maingay duon kasi nag-s-stay ngayon ang mga ka-block namin ruon.

Napapatingala na lang ako minsan habang nilulukot ang papel na pinag-do-drawing-an ko. Medyo stressed na ako dahil ilang gabi ko na rin iniisip kung paano ba gagawin ko sa design ng casual attire na pinapa-come up sa amin. I need to make sure that every detail is perfect. Hindi kasi puwedeng basta-basta ito.

Dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin kong design, naghanap ako ng inspirasyon sa Google. I need to find something that will suit my character. While browsing on the pictures, biglang nag-pop up ang chat bubble ni Tyron kaya tinignan ko ang laman nito. He sent me a link and told me to check it, which I did.

It's an online audition for an entertainment company. Napakunot ang noo ko at tinanong kung bakit niya ako sinendan nito. Tumawag siya kaya lumabas ako ng kwarto na hindi nagpapaalam sa mga kasama ko dahil ayoko naman silang istorbohin.

"Nakita ko kasi iyan tapos ikaw kaagad naalala ko. Sigurado akong madali ka makakapasok kasi may videos ka na maraming nagkagusto." bungad niya pagkasagot ko sa tawag.

"Alam mo ba na super busy ako?"

"Dali na. Minsan lang may opportunity na ganiyan tapos aayawan mo pa? Sayang talent mo kung hindi mo pagkakakitaan."

"That's why I made a YouTube account, hello."

"Monetized na ba? Hindi pa, hindi ba? Ang tamad-tamad kasi mag-upload ng video. At saka, iba kasi iyan. Pag-isipan mo. Until Sunday pa naman iyong audition."

"Dude, it's already Friday."

"Kaya nga mag-isip ka na. Ipe-pressure talaga kita. Sayang kasi iyan. Kung gusto mo, samahan kita magpunta diyan."

"I'll think about it."

Nagpaalam na ako sa kaniya't pumasok sa room para ituloy ang ginagawa ko pero habang natingin naman ako sa pictures, walang ibang nasa isip ko kung hindi iyong audition kaya para lang akong nag-s-skim sa mga picture.

Nangangati akong mag-audition pero kakayanin ko pa ba ang maraming engagement? Busy ako sa school, business namin ni Lie Jun para sa pag-iipon niya, president pa ako ng cooking club, may music club pa ako tapos may scholarship pa ako na kailangan ko i-retain. Not to mention, may gym pa 4 times a week. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong kaya ko pa kasi iyong engagements ko pa lang ngayon, minsan kinakapos na ako sa oras tapos dadagdagan ko pa?

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now