Chapter Thirty: Imminent Danger

677 18 23
                                    

Chapter Thirty: Imminent Danger

_

Shamaine's POV

_

"This is war..." saad ni Sylvanna at tinapunan kami ng matatalim na tingin.

Kasalukuyan kaming nasa basement ng Blue Lion Mansion. May ilang mga kwarto sa palapag na ito at isa na rito ang malaking conference room na kasya ang lahat ng mga taga-Blue Lion. Nagpatawag ng general meeting ang Goddesses kaya kami nandito.

"Tommorow is the start of our one-week long written examination. And next week is the start of our practice and training for the upcoming games and tournaments which will be held next, next week. And I hope everyone of you took everything seriously. Hindi na lang ang grades natin ang nakasalalay sa laban na 'to kundi pati na rin ang ating dignidad at pangalan."

Suddenly, the atmosphere became heavier. Tahimik ang lahat. Tikom at seryoso. May ilang nagnanakaw ng tingin sakin pero sa tuwing lilingunin ko sila, umiiwas naman. I rolled my eyes. Fine. It's me who started the so-called War of the Four Houses, and so? What happened, happened. Kung gusto nila akong awayin, edi awayin nila, I'm always ready.

Ilang minuto pang nagmonologue si Sylvanna hanggang sa matapos siya. "All of you may now go, except for you Maddison and Smith. We have something to talk about," anito.

Napairap ako. Ano na naman ba?

Nang makalabas ang iba naming housemates, lumapit kami ni Lorrie sa kinaroroonan ng mga Goddess.

"Bakit ba?," bungad ko.

Nakita kong inirapan ako ni Alice kaya umismid ako. Napakataray ng babaeng 'to, wala pa nga akong ginagawa.

"This is war..." saad ni Sylvanna. Kumunot ang noo ko. Paulit-ulit? Akmang babanat ako nang hawakan ni Lorrie ang kamay ko para pigilan. Napatingin ako sa kanya. Umiling ito. Tch. Fine. I'll shut up.

"This is somehow a real war between us, superiors, heirs of different vampire clans..." panimula ni Sylvanna. Oh-kay? "And these are all because of the two of you. So we want you to do your best in this war. While doing so, we will do our part. We will protect the two of you, especially Maddison,"

Oh-kay? Naningkit ang mga mata ko. "Wait. Pwede bang magtanong?," singit ko. At bago pa man sila tuluyang makasagot, nagsalita na ulit ako. "Bakit niyo ba 'to ginagawa? Kung hindi kayo interesado sa kung ano mang meron si Lorrie, anong mapapala niyo sa lahat ng 'to? Ano yun? Wala lang? Trip lang?,"

"Sham..." boses ni Lorrie. Pero hindi ko siya pinansin.

Tinignan ko sila isa-isa. They seem relaxed. Mukhang inasahan na nilang itatanong ko 'yun.

"May mapapala kami. Like what Matthew said, we are doing this because we want to have our own choice. We want to reclaim our dignity. The dignity that our clans have stained. In addition, we have personal and private reasons which involves our pasts, together with Maddison's," saad ni Sylvanna.

Maddison's? Lorrie? Napatingin ako kay Lorrie. She looks puzzled too. "But for now, she can't remember anything about our pasts due to her seals. But she will, at the right time," dugtong ni Sylvanna.

***

Kinabukasan, maagang nagising ang lahat. Gaya kagabi, tahimik at seryoso pa rin ang mga ito. Mukhang hindi nga talaga biro ang labanang 'to. Buti na lang nagreview ako ng todo kagabi, ayoko namang magmukhang tanga sa harap ng mga 'to, knowing na ako ang nagsimula ng lahat--- no, nagpalala pala since naglalaban naman na talaga sila in the first place.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now