Chapter Eighteen: Payback Time

1.3K 71 7
                                    

Chapter Eighteen: Payback Time

_

Shamaine's POV

_

Time check: 12:55 AM

"Oh ano? Game?," ang maangas kong tanong matapos ipaliwanag sa mga kasama ko ang aking mga plano.

Nagtinginan muna silang lahat bago sabay-sabay na sumigaw ng, "GAME!!!," ubod lakas nilang sigaw na halos makaagaw ng atensyon ng lahat ngunit hindi nila ito pinansin.

Napangisi ako. This is going to be fun. At mas lalong lumaki ang ngisi ko nang maaninag ang aming mga bus. Kami ang last batch na iuuwi sa Blue Lion Mansion, so meaning, maisasakatuparan ko ang aking mga plano. *evil laugh* Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng mga bruhildang yun. Tch. Lintek lang ang walang ganti.

"Boys," sambit ko upang mabaling sakin ang atensyon ng mga kasama naming lalaki. Napatingin sila sakin. Tinanguan ko sila. At tumango rin sila sakin bilang ganti at nagsimula nang magsikilos. Pinagmasdan ko sila habang naglalakad sila palapit sa compartment ng isa sa mga bus ng House namin.

Mission 101: Payback Time. At ang unang step sa aking plano ay ang ilagay muna lahat ng pinagbibili namin kanina sa compartment ng bus.

"Girls," sambit ko at tinignan sila. Tumango sila at nagsimula nang maglakad sa loob ng bus. At nang makitang nakapasok na silang lahat ay pumasok na rin ako. Pumwesto kami sa likuran ng bus.

At nang makaupo na ako sa bus ay sinenyasan ko si Abo na gawin na ang nakatokang trabaho para sa kanya---ang i-hack ang CCTV system ng bus station ng Haima.

Wanna know kung ano ang buo kong plano? Well. Simple lang naman. Gantihan lang naman eh so, ang mga BUS din ng kalaban naming House ang pagdidiskitahan ko. Yun nga lang, yung mas matindi. Pero, halata naman na siguro sa mga pinagbibili namin kanina ang gagawin ko sa bus nila diba? Tsaka, balita ko kasi customize ang mga bus namin at galing pa ang lahat ng mga 'to sa ibang bansa, so meaning, kapag nasira ko ang lahat ng mga bus ng kabilang House ay siguradong mamromroblema sila ng pagkalaki-laki dahil sa gagawin ko. And, remember yung sinabi kanina tungkol sa mga bus? Bawal ang manghiram. Kailangang makuntento ang bawat Houses sa kung anong meron sila so, ano kayang gagawin ng kabilang House para makapasok sa school? Maglalakad? Magba-bike? *smirk* HashtagDoubleKill. Balita ko rin kasi, halos dalawang linggo ang kailangang hintayin ng isang House hanggang sa dumating ang mga new buses nila dahil nga nasa ibang bansa pa ang mga ito. Ghad. I can't wait to see kung anong magiging reaksyon ng mga bruhildang yun. Ako pa ang kinalaban nila ah? Hah! Magsisi sila ngayon.

"Sham," napalingon ako sa gawi ng mga lalaki nang tawagin nila ako. "Oh ano? Ok na?," tanong ko. Nagthumbs-up naman sila sakin kaya napatango ako. Good.

At maya-maya lang ay naramdaman kong tumigil na sa pag-andar ang bus namin. At nang sumilip ako sa bintana ay nasa harap na pala kami ng Blue Lion Mansion. Nagkatinginan kaming lahat.

"Attention. Nandito na po tayo sa harap ng inyong Blue Lion Mansion. Kaya maaari na po kayong magsibaba. Yun lamang po. Good Night," hayag ni Kuya Butler Rasper.

Nagkatinginan ulit kaming lahat. At pagkaraan lamang ng ilang sandali, ay tumayo kaming apat nina Panpan, Matthew at Sylvanna.

"So, ayun. Ayon sa plano, stan-by lang muna kayong lahat dito at kami na'ng bahala sa lahat. Ok?," litanya ni Panpan. Nagsitanguan naman ang lahat.

At nang makita naming kami-kami na lang ang nasa loob ng bus ay lumapit kami kay Kuya Butler Rasper at Kuya Manong Driver. Next step? Kausapin ang dalawang lalaki sa unahan at sabihing pinapatawag sila ni Prof. Middleton sa loob ng Mansion---nang sa ganon ay masolo namin ang bus.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang