Chapter Twenty Seven: Meet the Princesses

294 17 1
                                    

Chapter Twenty Seven: Meet the Princesses

_

Shamaine's POV

_

The bell rang. 12:00 PM. Lunch break.

Nagtayuan ang mga kaklase ko at naglabasan. Tumayo na rin ako at lumabas na rin ng room.

Napangisi ako nang makitang naroon na sa labas ang tatlo at mukhang kanina pa ko hinihintay. Napangisi sila at nilahad ang mga kamay. Sabay kong inapiran sina Cloud at Wainright tapos huli si Jin. Nagsimula kaming maglakad patungo ng cafeteria.

"Hoy, mukhang kanina pa kayo dun ah? Wag nyo sabihing nagcutting na naman kayo?," tanong ko sa tatlo.

"Hindi ah. Nagpaalam kami..." saad ni Cloud.

"... na magsi-cr! HAHAHAHA!," dugtong ni Wainright at nakipag-apir sa dalawa. Natatawa akong napailing. Been there, done that tho.

Nga pala, halos dalawang linggo na ring kaming magkakasama ng tatlong ugok na 'to simula noong lumayo ako kina Lorrie. Nung una, hindi sila pumayag pero sa huli, wala rin silang nagawa. Hindi na rin umapela ang Gods and Goddesses dahil superiors din naman ang sinasamahan ko. Medyo nag-object lang si Matthew dahil si Jin ang kasayaw ko noong Acquaintance Ball kung saan sumingit si Zain, kung saan nagkaroon ng gulo.

Natanong na nga rin pala sina Lorrie kung anong nangyari; bakit at paano sila nawala pero ang sabi ng tatlo, wala silang maalala. I doubt it. Marahil ay ayaw lang nilang magsalita. Or sa Gods and Goddesses lang nila sinabi ang nalalaman nila. Kahit si Amirasol, tikom. Tss. Bahala sila.

Nang makarating kami sa cafeteria, bahagyang tumahimik. Kasunod no'n ang bulungan. Napairap ako. Almost two weeks na kaming magkakasama, hindi pa rin sanay 'tong mga 'to? What the hell.

Naupo kami sa lamesa nina Jin. Naghintay kami ng ilang sandali hanggang sa dumating na rin ang hinihintay namin.

"Sige, Mara, dito na ko," paalam ni Amirasol kay Tamara. Ngumiti naman ang huli. Nginitian din kami nito bago tumakbo sa pwesto nina Lorrie. Naroon kasi si Bata. Hindi kasi sila kumportable sa mga Dukes.

"Ganun pa rin po ba order niyo?," tanong ni Amirasol sakin. "Oo. Bili ka na rin ng mansanas. Parang gusto ko mag-apple ngayon eh," saad ko. Tumango naman ito at mabilis na umalis. Tumayo na rin sina Cloud at Wainright para umorder.

Nang ibaling ko kay Jin ang tingin ko, nakatutok na ito sa cellphone niya. Seryoso, nakakunot ang noo at mabilis ang galaw ng mga daliri. Nag-e-ML na naman siguro 'to.

At dahil wala akong makausap, hindi ko napigilan na tapunan ng tingin ang grupo nina Lorrie. Kararating lang ng mga pagkain nila. Napatigil sila sa pagkwe-kwentuhan at nagsimula nang kumain. Nakita kong halos sabay na napatingin sina Lorrie at Matthew sa direksyon ko kaya sa gulat ko, sinipa ko sa binti si Jin para tumingin siya sakin.

"Aray, p'tang ina," Nalukot ang mukha ni Jin at napayuko sa lamesa habang sapo-sapo ang binti sa ilalim nito.

Napangiwi ako. "Hala, sorry!," bulalas ko at lumipat ng upuan, sa tabi niya at tinapik ang balikat niya.

Bahagyang umangat ang ulo ni Jin habang kagat ang labi, namimilipit sa sakit, at nilingon ako. Hala, hindi ko sinasadya.

"Ba't ka naninipa, Sham? Wala naman akong ginagawa," mangiyak-ngiyak niyang pahayag.

Nalukot ang mukha ko. Hindi ko alam kung magi-guilty ba ko o matatawa kay Jin dahil sa mukha niya. Parang bata. Tsaka, wala naman talagang siyang ginagawang masama kaya bakit ko nga ba siya bigla-biglang sinipa?

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن