Chapter Five: The Trouble in the Race

3.5K 110 3
                                    

Chapter Five: The Trouble in the Race

_

Shamaine's POV

_

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.

Gusto ko sanang bumangon kaso feeling ko ay ang sakit-sakit ng buo kong katawan na para bang nagwork-out ako ng 24/7 at walang pahi-pahinga. Nilingon ko ang alarm clock ko.

Time check: 2:00 PM

Alas dos na ng hapon?! Di nga?! (De joke lang yan. May topak yung alarm clock kaya ganyan). Nakakatawa talaga yung side ng utak ko, mahilig mambara (Note the sarcasm).

"Bwisit naman!," inis kong bulong habang bumabangon, feeling ko kasi ay sa bawat galaw ko ay nakakandabali yung mga buto-buto ko.

"Aray!," mahina kong daing noong nakatayo na ako pero napaupo rin dahil ang sakit nung binti ko, at nung tinignan ko ito ay may bandages pala ito. Ano bang nangyari sa race kagabi?

"Ay, Ma'am! Gising na po pala kayo?," bungad ni Amirasol, at dire-diretsong nagpunta sa side table at inilapag ang mga first-aid, mga bandages, gamot at tubig.

"Hindi, tulog pa ako, isang hologram ang nakikita mo," sagot ko sa kanya kaya nanlaki ang kanyang mga mata, sabi na nga ba at hindi talaga mawawalan pagkaslow 'tong babaeng 'to.

"Oh-my-gosh! Ano yung hologram, Ma'am?!," tanong niya habang pinopoke ako sabay titignan yung daliri niya kung may nangyari ba.

"Hologram, 'yun yung three-dimensional image na parang totoo," bored kong sagot para kung sa susunod na sabihin ko 'yun ay alam na niya.

"Ows? Matry nga para bawas sa trabaho," nakangiti niyang sabi kaya marahas ko siyang nilingon.

"ABA'T AMBISYOSA KANG BABAE KA! SO, ITATRY MO PARA HINDI KA NA MAGTRABAHO?! BINABAYARAN KITA PARA MAGTRABAHO! ILUSYONADA!," inis kong sigaw sa kanya at binato siya ng mga unan, tumakbo kasi siya sa kabilang side ng kwarto nung sumigaw ako.

"Sorry naman po! Parang itatry lang—!," - siya

"Aba't sumasagot ka pa!," - ako

*BLAAAAG!*

*BOOOOOG!*

"Sorry na po!," sigaw niya sa labas ng pintuan.

"Heh! Manahimik kang babae ka!," sigaw kong sagot at hinawakan yung braso kong kumirot, nabigla ata sa paggalaw ko.

"Young Lady, wag po kasi muna kayo gumalaw," malumanay niyang sabi at dahan-dahang inagaw sa akin ang aking braso, kasabay ang pagbukas niya sa first-aid na dala niya kanina. Si Amirasol. Paanong...? Paanong nakapasok siya at nakalapit sa akin ng ganun kabilis?

"Paano ka—" Bastos na babae. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinasakan niya ng gamot yung bibig ko at mabilis na kumuha ng tubig para ipainom sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang lunukin ito at inumin ang tubig. Sisinghalan ko sana siya nang bigla niya akong tinulak ng marahan sa kama ko na para bang pinapatulog ako. Sisigawan ko sana siya na kakagising ko lang pero bigla na lang siyang nagsalita.

"Matulog po ulit kayo para ma-gain niyo po ulit yung dati niyong lakas," at pagkatapos nun ay pinagpatuloy niya ang paggamot sa mga sugat ko, umupo kasi siya sa side nung kama ko.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now