Chapter Twenty Four: Back to School

312 21 4
                                    

Chapter Twenty Four: Back to School

_

Shamaine's POV

_

Isang araw bago matapos ang suspension.

Luckily, sabi nina Panpan, wala na raw kaming ibang parusa maliban dito. Kararating lang kasi ng Presidente ng school mula sa ibang bansa kaya magaan lang ang parusang pinataw samin. While in my superiors' case, naalis sa Royal Committee ang Gods and Goddesses sa pagiging Peace Maker slash Keeper nila dahil sa nangyari. On the other hand, pinagpasensyahan naman si Gwendolynne at hindi naalis sa pagiging sekretarya niya roon--- basta ba hindi na uulitin ang pagkasangkot.

Meanwhile, nung isang araw ko pa tinatawagan ang D-twins pero ni isa sa kanila, hindi sumasagot. I need to talk to them. I need more information. I need more answers.

After few more tries, I finally gave up and threw my phone on the bed. The heck!

"Hindi pa rin sumasagot?," tanong ni Lorrie habang nakaupo sa sofa. Hindi pumunta si Panpan. Si Amirasol naman busy sa paglilinis ng kwarto ko. I sighed and shook my head.

"Sham, siguro nga totoo ang sinabi ni Stephan na pinadala ka ng mga kapatid mo rito dahil sakin pero hindi naman siguro nila intensyon na ipahamak ka. Alam nilang malakas ka, at matapang, kaya siguro nagawa yun. Atsaka baka utos na rin ng kanilang ina. Mukha namang totoo ang pagmamahal at pag-aalala ng mga Kuya mo sa'yo eh,"

Natahimik ako sa sinabi niya. Iyon ang dahilan kaya gusto ko silang makausap. Nilihiman nila akong lahat. Umarte silang walang alam. Ano bang malay ko kung simula't sapul, ang mga tinuring kong kapatid, buong kapatid kahit kalahati lang talaga, ay ginamit lang ako para kay Lorryse.

Tinignan ko si Lorryse. Sinalubong niya ang mga mata ko at nginitian ako. Nagmake face ako sa kanya at inirapan siya. Hindi ako galit. Nagtatampo na lang. Siguro nung nakaraang mga araw, medyo nagalit ako, I even locked myself for two straight days but as the time goes by, unti-unti ring tinanggap ng utak ko ang lahat. Mukhang nagmamature na ko. Haha!

"Haaay!," Hinayaan ko ang aking sarili na matumba sa kama.

Pumikit ako at inalala ang mga nalaman ko. Vampires are real. Almost all the people I know are vampires. And Lorrie on the other hand, is a special vampire, though she still a human for now--- ah! Kaya pala kami sinabihang patapong tao ng isang guard sa Dungeon! Ako, si Tamara, Amirasol, at Lorrie. Some other creatures, such as vampires, wants to kill her so she needs to be protected.

Napabalikwas ako. Siguro malaki nga talaga ang role na gagampanan ni Lorrie sa mundo nila. Since nandito na ko, naipit na ako sa sitwasyon, at gumawa ng ilang malalaking gulo, might as well do something for their sake! I will also protect Lorrie! Just like how I protects her even from the start! Although I'm a human, I'm still Shamaine Smith! The Great Shamaine Smith!

***

The next day.

Taas-noo akong naglalakad patungo sa aming classroom. Nahimasmasan na ako. Kasabay ko sina Lorrie at Panpan. Nasa likuran naman namin ang Gods and Goddesses. So, ano kung 75 percent ng estudyante rito ay bampira? Tch. The heck I care.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Palipat-lipat ang tingin nila samin at sa mga superiors. Umirap ako at dumiresto sa pwesto ko. Pumwesto na rin sina Panpan at Lorrie sa mga upuan nila. Nag-umpisa namang magbulungan ang nasa paligid.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Där berättelser lever. Upptäck nu