Chapter One: Ms. Troublemaker I

6.3K 186 6
                                    

Chapter One: Ms. Troublemaker I

_

Shamaine's POV

_

Naalimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog nang makaramdam ako ng ibang presensya sa maganda kong kwarto. Nagdesisyon akong imulat ang aking mga mata at,

"AAAAAAAAAAAAAAAH!!!," - ako.

"AAAAAAAAAAAAAAAH!!!," - siya.

"SINO KA?!," tanong ko or much better ay sigaw na tanong ko dahil sinong hindi mapapasigaw kung pagmulat mo ng mga mata ay mukha ng 'di mo kilala ang bubungad sa iyo and worst babaeng pinagsakluban ng kapangitan pa.

"AMY RIVERA PO! BAGONG KATULONG NIYO PO! BAGONG PERSONAL MAID NIYO PO!," sunod-sunod na sagot naman niya or pasigaw na sagot din niya?

Aba! Gaya-gaya 'tong hipokrita na 'to sa sigawan ah?!

"Hoy! Anak ni Medusa! Bakit ka ba nakikisigaw?! Ikaw ba amo rito?!," mataray kong sigaw sa kanya.

"Hindi po ako ang amo rito pero... ikaw po ba ang amo rito?," inosente niyang tanong. Bahagya akong napanganga.

Is she... serious? She looks serious! Really? Tinatanong niya ba talaga 'yan? Kakasabi niya nga lang na siya ang bago kong personal maid! What's wrong with this maid?!

"Hindi! Hindi! Hindi ako ang amo rito! Baka yung teddy bear! Baka 'yun yung amo rito ano?!," sarkastikong sagot ko sa kanya at itinuro ang human-sized teddy bear ko.

"Hindi nga po?! Seryoso?! Yung teddy bear na 'yun yung amo rito?!," manghang tanong nya at sinipat-sipat pa ang teddy bear ko.

What... the... heck... Seryoso ba 'tong babaeng 'to?! As in?!

Hindi nya ba alam ang salitang sarcastic?!

Hindi ko alam kung nagshushunga-shungahan lang 'tong babaeng 'to o sadyang hindi lang talaga niya ginagamit ang utak nya o sadyang iniinis niya lang talaga ako kasi sa totoo lang, effective na effective eh!

"Unang-una, ako at ako lang ang amo rito. Pangalawa, ako ang amo rito. At pangatlo, nasabi ko na bang, ako ang amo rito? So tatanungin kita, tingin mo... sinong amo rito?," sabi ko sa katulong habang papalapit ako nang papalapit sa kanya habang siya naman ay paatras ng paatras.

"K-kayo po... pero paano naman po yung magulang at mga kapatid niyo po? Dinig ko po, lima po kayong magkakapatid. Hindi ko po ba sila amo?," sabat ulit niya.

Pambihira...

"Pa'no mo sila magiging amo, kung wala naman sila rito! Gamitin mo nga 'yang utak mo! O kaya magsubscribe ka sa 'Sulit.com'!," saad ko sa kanya. Ghad, kastress!

"Bakit po ako magsusubscribe sa 'Sulit.com'?," tanong niya.

"Hindi mo ba alam ang kasabihan ng 'Sulit.com'?... ang sabi nila... 'Ang hindi na ginagamit... ibenta mo na!' Kuha mo?!," mataray kong paliwanag.

"Ows? Pwede po pala 'yon? Matry nga... baka malaki ang kitain ko! Pero... ano po yung ibebenta ko?," tanong ulit nya.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon