Chapter Ten: The Bloody Punishment

2.5K 106 1
                                    

Chapter Ten: The Bloody Punishment

_

Shamaine's POV

_

"LUNES! NANG TAYOOOOOO'Y NAGKAKILALA~ MARTES! NANG TAYOOOOO'Y MULING MAGKITA~,"

"O KAY BILIS NG IYONG PAGDATING! PAG-ALIS MO'Y SADYANG KAYBILIS DIN! NATULOG AKONG IKAW ANG KAPILING---ARAAAAAAAAY~," daing ng tatlong lalaking kumakanta nang batuhin ko sila isa-isa ng mop, tabo at timba.

"Haist. Manahimik nga kayong mga kutong-lupa kayo!!! Buset yan," inis kong hayag sa kanila at sinamaan sila ng tingin. Hindi kasi ako makapagconcentrate sa paglilinis ng dahil sa mga kanta ng mga ungas kong kasama.

Hulaan nyo kung nasaan ako. Well... Nasa isang malaking comfort room lang naman ako ng boys sa isa mga malalaking GYMs ng Haima dahil yun yung punishment ko---ang maglinis. Usual naman yun sa mga punishment ang kaso nga lang hindi usual sakin kung gaano kalaki ang comfort room na kinalalagyan ko! Bwisit talaga!

"Sorry na~ Boring kasi kapag tahimik," nakapout na paumanhin ni Jin. Jin Lockhart. Isa sa kasama ko sa punishment. Apat lang kami but... Who would have thought na sila ang mga Dukes o mas tamang sabihin na superiors sa Red Spiders. Diba ang description sa kanila ay maduming maglaro, mga gangsters kuno, at masasama ang ugali pero bakit napakachildish ng mga eto! At sinong makakaisip na si Jin Lockhart ang pinakasuperior sa kanila! I mean sya yung Duke of the Dukes! Leader kumbaga. Haist. Ewan.

"Shamaine. May boyfriend ka na ba?," tanong ni Wainright, Wainright Alberts habang pinupunasan yung malaking salamin sa comgort room ng mga boys. Nagpakilala kasi sila sakin kanina.

"Pagsinabi ko bang meron... Maniniwala ka?," diretso kong sabi habang pinagpapatuloy ang pagma-mop.

"Hindi," mabilis nyang sabi at bumunghalit sila ng mga tawa kaya napailing na lang ako. Hindi ko talaga maisip kung paano sila naging mga Dukes sa Red Spider. Lalo na si Jin na pinakaleader. At kung tinatanong nyo ako kung kinakabahan ba ako na kasama sila dahil ako lang ang nag-iisang babae ay syempre---Hindi. Si Shamaine Smith ata 'to. *smirks*

"Hahahahaha!!! Magtataka talaga ako 'pag may pumatol sayo!!! Pfft. Hahahahaha!!!," natatawang sabi ni Cloud. Cloud Aldeburgh. Half brother nung Clydde sa God ng Blue Lions kaya hindi sila close.

"Pfft. Hahahahaha!!! Sigurado ako na laging nasa ospital ang boypren mo dahil dyan sa sobrang---Pfft. Kabrutalan mo! Hahahaha!!!," sang-ayon ulit ni Wainright kaya hindi na ako nakapagpigil na habulin sila ng mop.

"Mga ungas talaga kayo!!! Bwisit!!!," litanya ko at hinabol sila kaso nakalimutan kong comfort room pala ito kaya nadulas ako pero bago yun ay nasambot na ako ni Jin.

"Ang ganda mo sa malapitan," nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko at hindi ko alam kung nakita nya ba ang saglit na pamumula ng pisngi ko dahil ang gwapo pala ng kapreng 'to sa malapitan! Hindi naman kasi ibig sabihin ng pagiging troublemaker ko at gangster wannabe at napagkakamalan pang tomboy na hindi na ako naapektuhan sa mga kagwapuhan ng mga nasa paligid ko.

"Alam ko," bawi kong sabi at tinulak sya ng marahan dahil baka pagmalakas ay matumba kaming dalawa.

"Dumadamoves si Boss!," kantyaw ni Cloud kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ang ayaw ko kasi yung inaasar ako sa mga lalaki, nakakakulo ng dugo.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now