Chapter Two: Ms. Troublemaker II

4.6K 149 8
                                    

Chapter Two: Ms. Troublemaker II

_

Shamaine's POV

_

*Sa Mansion ko*

"I can't believe this! I thought nagbago ka na, Shamaine! Dahil nakatapos ka ng Junior High sa St. Joseph nang hindi nakikick-out! Pero... kakaisang linggo pa lang ng Senior High mo ay napatalsik ka na naman!," sermon ni Mommy. Haist! Hinintay talaga ako ng babaeng 'to. Kaimbyerna.

"And worst! Muntik ka pang makapatay! And to think na kabusiness partner namin ang mga magulang nila! Sa tingin mo, ano na lang ang iisipin nila? Huh?! You're so stupid, Shamaine! You didn't bother to think na baka maapektuhan ang negosyo namin nang dahil sa pagiging troublemaker mo! You're so selfish!," mahabang dugtong ni Mommy or should I say, Madame Ellaina, dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang Mommy dahil hindi naman daw niya ako tunay na anak. As if namang gusto ko siyang maging tunay na ina. Sa ugali niyang 'to? Tch.

By the way, nasa library po kami ng mansyon ko pero dahil pagod na ako sa pakikinig ng mga hinanaing ng babaeng 'to ay tumayo na ako sa upuan at dire-diretsong naglakad palabas.

"Hindi pa tayo tapos, Shamaine! Bumalik ka—,"

*BLAG!*

At hindi na natapos ni Mommy ang sasabihin niya dahil sinarado ko na ang pinto at dire-diretsong tumakbo sa kwarto. Psh. Puro sermon-puro sermon! Paulit-ulit na lang, hindi ba sila nasanay na ganito ako? Kaasar.

Tsaka, puro sermon na lang sila. Hindi man lang nila pinakinggan yung side ko, pero syempre maliban kay Daddy, pero nilalason kasi ni Mommy yung utak ni Daddy kaya malabo ring maintindihan nila kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

*FLASHBACK*

Sa School.

Pagkalabas na pagkalabas ko mula sa limo ko ay nagulat ako nang may umakbay sa akin.

"Yow! Wazzup, Sham!" bungad ni Warren, isang heartthrob 'daw' ng school.

"Sabay ka na samin, Sham!," masiglang sabi nina Zaiden, Clark at Nicolai, tropa ni Warren. May isa pa silang tropa, si Kenji, pero tahimik lang itong nakasunod samin. Bale, lima silang magkakaibigan.

"Sige ba! Basta libre niyo ko sa break ha?," sagot ko.

"Sure!!!," sagot naman nila. By the way, these five are my schoolmates, and also my closest friends here in this school.

Then, habang naglalakad kami ay nakarinig ako ng hindi kanais-nais.

"Nagkalat na naman ang mga flirt noh?! Kahit 'di kagandahan, may kasamang limang heartthrobs?! Definitely a flirt!," Mary Jean, isang reynang bubuyog— I mean Queen Bee sa school.

"Pwede bang mauna na kayo? May aasikasuhin lang ako," paalam ko sa lima at tumango naman sila.

Then, humarap ako sa grupo ni Mary Jean Alcantara, isang nawawalang kapatid ng mga tarantula. Makamandag kasi ang mukha niya, dahil tignan mo pa lang, masusuka ka na.

"Haaay! Mga insecure nga naman, nagkalat noh?!," tanong ko sa mga dumadaan, sabay tingin ng diretso kay Ms. Tarantula.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]On viuen les histories. Descobreix ara