Chapter Seven: Welcome to Haima University I

2.8K 121 7
                                    

Chapter Seven: Welcome to Haima University I

_

Shamaine' s POV

_

"Argh! Ang sakit ng ulo ko!!!," inis kong sigaw at nagpagulong-gulong sa kama. Feeling ko ay uminom ako kagabi ng isang case ng red horse. Lakas ng tama, mga dre.

"Young Lady? Bumangon na po kayo. May pasok pa kasi tayo eh," rinig kong sabi ng isang boses, si Amirasol. Kabwisit lang.

"Unang pagpipilian. Lalabas ka o kakaladkarin kita palabas? Pangalawang pagpipilian. Lalabas ka o sisipain kita palabas? At panghuling pagpipilian. Lalabas ka o sasapakin kita palabas? Mamili ka," straight kong sabi kanya habang hindi pa rin bumabangon.

"Ma'am Shamaine naman, kailangan nyo na pong magbihis baka po mahuli tayo eh," rinig kong sabi nya.

Shete tong babaeng 'to. Hindi marunong makinig! Masampolan nga. Kaya umupo muna ako sa kama at binigyan sya ng isang nakakapangilabot na titig. Ngumiti rin ako sa kanya na para ba akong nababaliw, kaya bahagya syang napaatras. Pero dahil sa kanyang pag-atras ay mas lalong lumawak ang nakakatakot kong ngiti. At unti-unti akong umalis sa kinauupuan kong kama.

"Hindi ka talaga marunong makinig noh?," tanong ko sa kanya habang humahakbang paabante kung nasaan sya.

"Pero alam mo ba ang mga nangyayari sa mga taong hindi marunong makinig sa mga utos ko?," tanong ko ulit kaya napalunok sya at napaatras pero ang hindi nya alam ay pader na iyong nasa likod nya kaya napasandal na sya doon. Marahas ko namang isinandig yung kanan kong kamay sa bandang kanan ng ulo nya kaya napapikit sya. Inilapit ko naman ang bibig ko sa tenga nya at ibinulong ang nagpabagsak sa kanya.

"I usually drink their blood. Because I'm a Vampire,"

"Huy, Sham! Anong ginawa mo dyan?!," rinig ko namang sabi ng isang boses, si Lorrie na kakapasok lang sa pinto ng napakaganda kong kwarto.

"Wala naman akong ginawa sa babaeng 'yan maliban sa sinabi ko sa kanya ang pinakatatago kong sikreto," sagot ko sa kanya.

"Na Vampire ka? Nakuuu, Sham. Pwede bang tigilan mo na 'yang imigination mo," sabi nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin. Masama bang mangarap? T.T

"I-Imagination?," rinig kong tanong ni Amirasol kaya binalingan ko sya.

"Para kang tanga. Sinabi ko lang na Vampire ako, nagbreakdown ka na agad?! O. A. eh noh?," mataray kong sabi sa kanya.

"Sorry po," paumanhin nya nya kaya inirapan ko na lang sya.

"Huy, Sham. Bilisan mo na. Malapit na tayong sunduin ng school bus!," sabi ni Lorrie habang palabas ng napacute kong kwarto.

"Sige. Hintayin mo ko ng mga two hours," sagot ko sa kanya kaya napabalik sya.

"What did you just say?," taas kilay nyang sagot.

"Sabi ko hintayin mo ko ng mga ilang minutes lang naman," mahinahon kong sabi at ngumiti. Bawal magbiro kay Lorrie kapag umaga mga dre, nagkakatopak kasi 'yan. Tsaka sa pagkakaalala ko nga nung bata kami, ay tuwing gumigising sya ng umaga at 'pag kinukulit ko sya ay bigla syang namamato ng alarm clock o kaya kahit anong nalapit na bagay sa kanya! At nung first time ko nga syang kinulit at hindi ako nakaiwas sa alarm clock na binato nya ay sugat sa ulo ang inabot ko. Pero syempre, dahil ako si Shamaine ay sinabunutan ko sya. Buti nga at naawat ako or should I say kami dahil pati si Lorrie ay nakipagsabunutan din ang kaso nga lang ay dehado sya dahil ako ata si Shamaine— pero wait lang. Bakit ba ako nagshe-share sa inyo?! Psh. As if namang close tayo?! Tsk.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now