Chapter Twenty Two: Revenge of the Kings

1.9K 91 85
                                    

Chapter Twenty Two: Revenge of the Kings

_

Shamaine's POV

_

I don't know what exactly happened but in just a snap, ang kaninang madilim na hallway ng Dungeon ay naging kagubatan. Tila nagteleport kami---na napakaimposible namang mangyari. Kaya ang tanong, what the freaking hell did they do? And how the heck did we ended up here?! And lastly, what the hell are we doing here?!

"Surprised? Confused?," ang biglang tanong ni Cedric. Sinamaan ko sya ng tingin. "Don't worry, lahat ng tanong mo sa utak mo ay masasagutan rin. Maghintay ka lang," litanya nya. Sh't. Ba't kinabahan ata ako dun?

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Sa tansya ko'y nasa alas-syete pa lang ng gabi dahil may buwan na ngunit hindi pa naman ganun kadilim. At maliban sa mga puno na nakapaligid samin ay tansya ko nasa taas rin kami ng isang bundok dahil kitang-kita ko mula rito ang mga nagtataasang estraktura ng Haima.

Oh My God. O_O Di kaya ihulog nila ako dito? Shet. Posible. Walang makakapigil sa kanila. Lahat ng mga pwedeng tumulong sakin ay nasa Dungeon. Nakakadena. Patay! Literal!

At maya-maya lang ay binitawan na ako ng mga Kings na nakahawak sa akin sa marahas na paraan na ikinasubsob ko sa lupa kaya paulit-ulit akong suminghap, nagtitimping sumabog. May oras rin 'tong mga 'to sakin. Tandaan nila.

At maya-maya lang rin ay nakaramdam ako ng malakas na hangin. Napapikit ako dahil baka may pumasok na lupa sa mga mata ko.

At nang imulat ko na ang mga mata ko ay napalunok ako. Holy Prick. Nasa harapan ko ang mga Kings. And they are complete! They are freaking complete!

Napaatras ako. Bahagyang tumabingi ang ulo ni Zain Eleazer Blood dahil dun. Ngumisi sya. "Scared?," he asked. Napalunok akong muli at unti-unting tumayo. Taas-noong sinalubong ang mga tingin nya. "Of course... not," sagot ko.

At pagkatapos ay isa-isa ko silang tinignan. "Meron na akong ideya kung bakit nyo ko dinala dito...," panimula ko. "Gaganti kayo sa ginawa ko hindi ba? Oh ano na? Pa'no bang ganti ang gagawin nyo? Beat me to death? Throw me to that cliff? Tell me. Pero kung ang gusto nyo ay ang una kong sinabi... oh edi ano na? Simulan na natin 'to!," paghahamon ko at pinatunog ang leeg ko.

'Shet, ang tapang ko.' - isip-isip ko kahit sa totoo lang, nanginginig na ako sa kaba. Hindi naman ako bobo para hindi ko mapansing dehado ako dito noh! Ghad. Ano ba 'tong pinasok mo, Shamaine?

"Pfft. Do you really think that beating you to death is enough for us?," umismid ang kaharap ko, nang-aasar. "That's bloody lame," saad ni Zain at humakbang ng isang beses. Napaatras ako. Nakamasid lang sa likod ni Zain ang iba pang Kings.

"I have a better idea than that...," humakbang muli ito ng isa pang beses. Napaatras akong muli. Sh't. Ba't ba ako umaatras?! Langya naman oh.

At nang muli itong humakbang, muli rin akong umatras ngunit laking gulat ko nang tumama ang likuran ko sa isang malapad at matigas na bagay. Napalingon ako at bumungad sakin ang mukha ni Cedric. Nasa likuran nya di-kalayuan ang mga Kings na lagi nyang kasama. Kung hindi ako nagkakamali, sina Bryce Sandford, Seven Willford, Shin Edogawa, at Lyan Colfer ang mga 'yun. But wait a minute, pa'no sila napunta sa likuran ko ng ganun kabilis? Ni hindi ko sila napansin!

Bumalik ang tingin ko kay Zain. Nasa likuran nya rin di-kalayuan ang the rest ng Kings. Uh oh. Cornered. Kapag tumakbo ako sa magkabila kong gilid, mahahabol lang ako ng iba pang Kings. They are eleven for Zeus' sake! And I'm only one!

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now