Chapter Nine: Beginning of the War

2.5K 104 10
                                    

Chapter Nine: Beginning of the War

_

Shamaine's POV

_

Unti-unti akong lumapit sa lalaking 'yun. Inilabas ko rin ang isang kutsilyo at mabilis na isinaksak sa mga hita niya kaya napahiyaw siya sa sakit at hindi na nagawang makatayo pa. Unti-unti ko rin inilandas pataas ang patalim na aking hawak hanggang sa mapunta ito sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na nakapagreact pa nang itarak ko ang matalim na kutsilyo diretso sa kanyang dibdib, sa gilid ng puso. Bwahaha! Hindi ko mamadaliin ang kanyang pagkamatay!

"Aaaaaaaah! Tama na! Sh't! Patawarin mo na ako!," sigaw niya. At maya-maya lang ay binuhusan ko na siya ng tinatago kong gas at kasabay nun ay ang paghagis ko ng isang lighter kaya nagliyab siya.

"Aaaaaaaah!!!," walang katapusang sigaw niya pero ako? Heto, at parang nababaliw na tumatawa habang pinanonood siya—

*PLOK!!!*

"Aray! Hoy, tarantadong hayup ka! Ba't mo ko binato?!," sigaw ko at sinamaan ng tingin ang isang lalaking may black na buhok na nasa kabilang dulo ng kwartong aking kinasasadlakan. 'Ba naman 'yan! Sinira niya yung imagination kong pinapatay siya eh. Bwisit.

"Para ka kasing baliw na tumatawa! Hahahaha!," tawa niya at nakipag-apir sa mga katropa niya.

"Humanda ka sakin," inis kong bulong at mabilis na tumakbo sa direksyon niya at bago pa ako maharangan ng mga katropa niya ay nahawakan ko na ang kanyang leeg at paulit-ulit syang inalog.

"Hayup ka! Mamatay ka ng kumag ka! Dahil sayo kaya ako nandito! Peste ka! Leche! Bwisit! Tarantado! Mamatay ka ng hinayupak ka at bumalik ka na sa sinapupunan ng nanay mo dahil wala ka namang nagagawang tama!," sigaw ko sa kanya. At kahit hinihila na ako ng mga barkada niya ay mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya at mas nilakasan pa ang pag-alog.

"A-ack!!! B-Bit-Bitawan m-mo k-ko-kong paki-kiala-mera ka-ka! Aaaack-Aaaaah!,"

"Bibitawan kita 'pag wala ka ng buhay! Ha! Akala mo okay lang sakin na nandito ako?! Mamatay ka na!,"

"Aaaaa-aack!!! L-Let me g-go, bi-b'tch!!!,"

"Aba! May gana ka pang sabihan akong b'tch?! Damn you! Curse you! F'ck you! Go to hell!,"

"Miss! Baka mapatay mo yung kaibigan namin!," singit ng isang lalaking may highlights na blonde sa buhok.

"Wala akong pake! Mayaman ako at kaya kong paikutin sa pera ang batas!," sagot ko sa kanya at tinuhod yung sinasakal kong lalaki kaya napaluhod siya at ginawa ko naman yung chance para sapakin ang mukha niya na naging dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

"Knock-out! Whooooo! Hahahahaha!," hiyawan ng mga nasa loob pero natahimik din nang biglang marahas na nagbukas ang pinto.

"Get back to your seats!," maawtoridad na utos ng matandang lalaki na kapapasok lamang, si Principal Winston.

Bwisit! Wrong timing.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now