Chapter Three: Looking for a New School

3.8K 126 0
                                    

Chapter Three: Looking for a New School

_

Shamaine's POV

_

Two months had passed at wala kaming ibang ginawa nina Lorrie at Panpan kundi ang gumala. Kagagaling nga lang namin sa Palawan eh. Last week sa Tagaytay at Batangas. Wala lang, pakasaya muna kami bago ulit kami pumasok sa school.

Tsaka, hinahabol kasi namin yung mga oras na hindi kami magkakasamang tatlo. Matagal-tagal din kasi yun eh. Bonding-bonding kumbaga. Nung summer naman kasi nagbonding sila kasama ang mga pamilya nila sa ibang bansa.

Anyways, nandito nga pala kaming tatlo sa sala ng mansion ko. Naghahanap na ng school na papasukan dahil kahit lagi akong gumagawa ng mga kabalastugan ay gusto ko pa rin namang may marating noh!

"St. Augustine High. Check.
Valentine Academy. Check.
Colegio de San Daniel. Check.
Antonette College. Check.
St. Joseph High. Check.
Virgin Mary High. Check.
De la Torre University. Check.
North Easthern University. Check.
Haist! Puro napasukan mo na 'tong mga school na 'to ah! Ayaw mo namang ubusin ang eskwelahan dito sa Luzon noh?! Grabe! Naha-hagard na ang napakagwapo kong mukha—! Aray! Ba't ka namamato, Shammy?!," sigaw niya dahil binato ko lang naman siya ng unan. Conceited talaga 'tong hayop na 'to.

"Magrereklamo ka na nga lang, sinamahan mo pa ng pagka-conceited mo! Pagtripan ko 'yang mukha mo eh, nang wala ka ng maipagmalaki! Mmm!," inis kong sabi at inambahan siya kunwari ng suntok dahil nasa iisang sofa lang kami pero nasa magkabilang dulo ang pwesto.

"Sorry naman! Totoo namang nasi-stress na yung kapogian ko— Aray!," sigaw niya dahil tinadyakan ko lang naman siya. Napakayabang talaga ng tarantadong 'to!

"Brutal ka talagang babae ka! Lagi mo na lang akong inaapi! Sumbong kita sa pulis eh..." sabi niya at tumakbo sa isa pang sofa sabay dugtong ng, "... Susumbong kita dahil sa child abuse at pagnanasa sa napakapogi kong katawan! Sus! Kung alam ko lang, sinisipa mo ako para makatsansing!," kaya parang bigla na lang umasim ang mukha ko sabay sabing, "Kapal ng mukha mo!," at hahabulin ko na sana siya para banatan pero hindi natuloy dahil biglang nagsalita si Lorrie.

"Guys! May naresearch na kong ten available schools! Tsaka ten lang dahil yung iba, ayaw nang tumanggap ng mga estudyante dahil August na raw tsaka puno na rin daw sila," sabi niya at ipinakita ang isang page na prinint niya.

"Oh, ano nang gagawin natin? Nagregister ka na ba?," tanong ko.

"Oo, kanina pa ako nagreregister ng mga form sa internet pero ayaw nilang tanggapin dahil akala siguro nila ay nagloloko lang tayo dahil sa sikat nating mga apelyido," paliwanag ni Lorrie kaya nagpatango-tango naman kami ni Panpan.

"Ano kaya kung puntahan natin ng personal yung mga school?," sabay naming sabi ni Panpan kaya nagkatinginan kami at nag-irapan sa isa't isa. Napatawa naman si Lorrie sa inasta namin.

"Echosera," rinig kong sabi ni Panpan habang magkatalikod kami.

"Eklatera," ganting sabi ko at umirap sabay martsa papuntang kwarto pero bago 'yun ay narinig ko ang tawa ni Lorrie.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon