Chapter Eight: Welcome to Haima University II

2.9K 102 6
                                    

Chapter Eight: Welcome to Haima University II

_

Shamaine's POV

_

Mala-model akong naglalakad sa hallway patungo sa designated room namin nang...

"Miss!!! Tabi!!!," rinig kong sigaw sa likuran ko pero bago pa ako makapagreact ay naramdaman ko na lang ang malakas na impact ng aking pagbagsak sa sahig. Nagbungguan or should I say, binunggo ako ng hudas na nasa likuran ko kanina.

"Ay, lintek!," inis kong daing dahil nabunggo lang naman sa pader yung likod ko dahil ang lakas talaga nung pagkakabunggo.

"Need some help?," rinig kong sabi ng isang panlalaking boses. Then maya-maya ay nakita ko na lang na may nakalahad na kamay sa harap ko.

"Tch!," ang tangi kong sinabi at tinapik yung kamay nya at mag-isang itinayo ang sarili. At nung inangat ko na ang tingin ko ay tumambad sa akin ang isang gwapong lalaki.

"Uhmm. Ayos ka lang?," nag-aalangang tanong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Kailan ka pa nakakita ng normal na tao na ayos lang pagkaraan bungguin ng isang kapreng hudas?! Aber?," pagtataray ko sa kanya.

"Uhmm. Sorry?," nag-aalangang sabi nya ulit kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry," mataray kong sabi.

"Eh anong gusto mong gawin ko?!," medyo pikon nyang tanong kaya lumapit ako sa kanya at medyo tumingkayad para ilapit pa ng konti ang mukha ko sa mukha nya, medyo napaatras pa nga sya eh, kaya napasmirk ako at...

Lam na!

*BOOOG—!*

"What the—?," ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko dahil nasalo lang naman nung lalaki ang kamao ko na ipangsasapak sana sa mukha nya. Sh't. Pero mas lalo akong nairita ng ilapit nya ang mukha nya sakin kaya napaatras ang ulo ko ng di oras.

"Not so fast, Missy," nakangisi nyang sabi at binitawan ako kasabay ang presko nya paglalakad sa isa sa mga room pero... Silver Section room yun diba? Siyet lang. Magkaklase pa ata kami ng ungas na yon. Tsk. Kaasar.

"Aaaaah~ Hindi nakaganti si Shammy~," nang-aasar na sabi ng lalaking papalapit sa direksyon ko.

"Manahimik ka, Panpan. Kung ayaw mong sayo ko ibunton ang namumuong galit sa sistema ko," matalim kong banta sa kanya kaya natahimik sya.

"Oh ano ka ngayon? Edi natahimik ka! Haha! Si Sham lang talaga ang nagpapatahimik sa madaldal mong bibig eh noh?," natatawang sabi ni Lorrie pagkaraang sapukin ng mahina sa ulo si Panpan.

At habang natatawa si Lorrie kay Panpan ay nagsimula na akong maglakad sa room ko. May naka-engraved kasi sa pintuan na Silver Section kaya kaagad kong nalaman kung nasaan ang room. "Huy, Shammy~. Sorry na~. Hindi na kita aasarin, pramis," nagmamakawang sabi ni Panpan at sinundot pa ng mahina ang tagiliran ko. Tsk. Manigas ka.

"Huy, Shammy. Iiyak ako sige ka," parang batang banta nya pero inirapan ko lang sya.

"Huy, Sham. Naiiyak na si Stephan!," bulong sakin ni Lorrie. Pinagigitnaan kasi nila ako.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now