Chapter Twenty Three: A Glimpse of Truth

384 18 4
                                    

Chapter Twenty Three: A Glimpse of Truth

_

Third Person's POV

_

Bryce retracted his fangs out of Shamaine's wrist as the girl suddenly passed out. Nasalo nya ang babae bago pa man ito tuluyang bumagsak sa lupa.

Napatingin sya sa namumutlang mukha ng babae. It looks so peaceful now. Unti-unti nyang ibinaba ang babae sa lupa.

At aalis na sana ito sa tabi ng dalaga nang biglang syang makatanggap ng napakalakas na paghawi sa kanyang katawan. Halos tumalsik sya ng ilang metro.

"F'ck!," mura nya at sinubukang tumayo. Ngunit hindi pa man sya tuluyang nakakabawi mula sa natanggap nyang pag-atake ay nakatanggap na naman sya ng sunod-sunod na suntok.

Hindi magawang makaganti ni Bryce dahil bukod sa nakadagan sa kanya ang kung sino mang umaatake sa kanya ay napakalakas pa nito.

"STEPHAN!," ang narinig nyang sigaw ng isang tinig ng babae. At pagkatapos ay nawala na ang presensya ng kung sino mang umaatake sa kanya.

Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata at nakitang masamang nakatingin sa kanya ang lalaking laging kasa-kasama ni Shamaine. Si Stephan Anderson. Halos kilabutan sya sa masamang tinging ipinupukol nito sa kanya... tila nagliliyab sa galit ang pula nitong mga mata. Bahagya syang napaatras.

He knows that Stephan is a vampire too but, why the the hell is he having a goosebumps by just merely staring at his deadly gaze?

"You'll pay for this," ang malamig na sabi ni Stephan at walang imik-imik na tumalikod at lumapit sa walang malay na si Shamaine na kasalukuyang ginigising ni Lorryse.

"Y-You...," napatigil si Stephan nang biglang magsalita si Bryce. Napalingon syang muli rito. "You have no any idea who you are protecting with," ang makahulugang saad nito habang iniinda ang mga sakit sa katawan na natamo.

Kumunot ang noo ni Stephan sa sinabi ni Bryce at tuluyang hinarap ito. "What the hell are you talking about?," ang matigas na tanong nito. Ngunit ngumisi lamang ang una at bigla na lamang nawala sa isang iglap.

Napakurap si Stephan. What does he mean by that?

"STEPHAN!," napapitlag sya nang marinig ito. Agad nyang dinaluhan ang kinaroroonan ng dalawa nyang kaibigan.

"Ayaw nyang gumising! Stephan! Gumawa ka ng paraan!," ang nagpapanic na saad ni Lorryse. Napatingin si Stephan sa kalagayan ni Shamaine. Namumutla ito at mabagal na ang paghinga na nangangahulugang nanghihina na ang dalaga. Bumaba ang tingin nya sa palapulsuhan nito at nakitang patuloy ang pagdurugo nito mula sa natamong sugat dulot ng pagkakagat ni Bryce Sandford dito. Mahina syang napamura at walang sabi-sabing pinunit ang mahabang manggas ng kanyang uniporme sa Dungeon at itinali sa nagdurugong pulso ni Shamaine.

"We need to get out of here," deklara ni Stephan at binuhat si Shamaine. Nasa likuran naman nya si Lorryse. Ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakahakbang paalis ay napatigil sila dahil may humarang sa daraanan nila. Isa sa mga Kings. The 2nd King, next to Zain. Si Cedric Ecclain McLawrence.

"Leaving so early?," he asked. "Why don't you play with me, Stephan Anderson, for a while? That would be fun. You, bet?," ang nakangisi nitong sabi.

Nagdilim ang mukha ni Stephan at mas lalong hinigpitan ang pagkakabuhat kay Shamaine. At mas lalong tinakpan sa kanyang likuran si Lorryse.

"Thanks but no thanks. I would rather play stupid games with humans than playing with you, coward," ang mariing saad ni Stephan na syang ikinainis ng mga Kings.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now