Chapter Twelve: Ms. Troublemaker VS Mr. King of the Kings

2.7K 118 7
                                    

Chapter Twelve: Ms. Troublemaker VS Mr. King of the Kings

_

Shamaine's POV

_

"Haist. Ang tagal naman nina Amirasol!," mahina kong reklamo at sinilip ang pilahan sa cafeteria.

"Gutom na gutom ka na ba, Shammy? Titigan mo na lang yung mga pandesal ko at siguradong mabubusog ka! Partida, six packs 'to," singit ni Panpan at ambang itinataas ang kanyang uniform kaya wala sa oras na nasapak ko sya.

"Aww!!!," daing nya.

"Ikaw na nga inooferan eh!," asik nya habang hawak ang kanyang mata.

"Aba! Sumasagot ka pa?! May papandesal-pandesal ka pang nalalaman dyan! Gusto mong makalunok ng kamao ng di oras?! Ha?!," singhal ko sa kanya at ipinakita ang aking close fist kaya napatayo sya at napatakbo sa likod ni Lorrie.

"Sorry naman ah? Sinusubukan ko lang namang tumulong sa kapwa eh," ganti nyang sabi kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Anlakas talaga ng loob mong mag-talk back eh noh? At sa tingin mo nakakatulong ka sa problema ko? Pwes, nagkakamali ka. Dahil hindi ang pagiging conceited mo ang kailangan ko! Pagkain, Panpan. Pagkain!," hayag ko sa kanya with matching actions pa.

"Sorry ah? Pagkain naman yung pandesal eh," sabi nya kaya napaface palm ako. "Lintek, Pan. Manahimik ka na lang kung maaari. Dahil baka hindi ako makapagtimping pasabugin yang nguso mo," hayag ko sa kanya habang nagtatagis ang bagang.

"Tsk. Nakakapagtakang nandito ang mga Dukes sa cafeteria," biglang sabi ni Tamara kaya napalingon ako sa pinakadulong bahagi ng cafeteria. And yes. Ang tinilian ng mga babae kanina ay ang mga Dukes ng Red Spider. Hindi naman kasi maipagkakailang mga magagandang lalaki ang mga Dukes, lalo na sina Jin at Rodge. At! Buti na lang ay hindi ako ginulo nina Rodge. Akala ko kasi kanina ay gaganti sya at ang mga kasamahan nya pero naalala ko yung deal nga pala namin sa Vice President ng Royal Committee na wala munang manggugulo mula kahapon hanggang ngayon. Phew.

"Bakit naman nakapagtataka?," tanong ni Lorrie.

"Meron kasi silang hide out at dun sila kumakain. Tsaka nag-uutos lang sila sa mga underlings nila para makabili ng pagkain at doon sa oh-so-called hide out nila iyon pinapadala," sagot naman ni Tamara. Mmm. Pansin ko na nagbago na yung way ng pagsasalita ni Tamara ah. Tsk. Mabuti naman.

"Aaaah," ganting sabi nina Lorrie at Panpan. At maya-maya lang ay may pumasok sa cafeteria na limang babae na hinihingal pa, mga sophomores.

"The Kings are coming! And they are freaking complete!," sabay-sabay na sabi ng sophomores kaya eto nanaman sila sa...

"O///O !!! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! >///< !!!," nakabibinging tilian ng mga kababaihan.

At maya-maya lang rin ay bumukas na ang doubledoor at parang slow motion ang naging pagpasok ng isang grupo ng naggagandahang mga kalalakihan with matching liwanag pa sa mga likuran nila---pero syempre hindi kasama yung liwanag. Exage naman yun masyado.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now