Simula

69 6 0
                                    

Finally.

"Kasama ko siya" bigla ako napahinto sa pagtingin ng mga libro sa NBS (national bookstore).

Nagtaka naman si Chloè sa paghinto ko, na bestfriend ko ngayong kolehiyo. Mga graduating students kami ngayong taon at habang wala pa ang boyfriend ni Chloè ay dito namin naisipan pumunta sa NBS dahil alas kwatro pa naman ang pagkikita namin nila kuya seth.

Alas tres palang ngayon ng tumawag siya.

"Sino..?" Sagot ko sa kausap ko sa phone

"Ung nasa isip mo, Siya.." - Kuya Seth "Si Albert.."

Marinig ko lang pangalan niya nagiging ganito reaction ko, ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang kinakabahan ako na di ko maintindihan.

Kinaibigan ko si kuya seth para may update ako sa kay Albert na bestfriend niya na minahal ko sa loob ng limang taon.

Nagplano kami ni kuya seth na magkita para magbonding kaso nagkataon na busy si Rynna na bestfriend ko simula 2nd year highschool kami, na kaibigan din niya. Ang sabi nito sa akin hahabol siya mamaya kaya ako lang muna kikitain ni Kuya.

"Joke lang" pahabol niyang wika habang natatawa.

"Boset ka!" Sabi ko sa phone.

Sakto naman na tumawag ang boyfriend ni Chloè kaya nagpaalam din kami sa isa't isa.

"Nandito ako sa entrance Tahari" wika pa ni kuya nang tumawag muli.

"Okay! Hintayin mo ko diyan" sagot ko at tinapos na ang usapan.

Nagrestroom muna ako bago pumunta sa entrance. Alas tres palang pero nandito na si kuya? Bakit kaya ang aga niya. Hays.

"Nasan ka na Tahari?" muling tawag niya ulit.

"Palabas na sa entrance, hinahanap ka." Wika ko habang nakalabas na ng entrance at nakita si kuya seth na nakatayo dun.

"Tara na, ang init dito sa labas sa loob na tayo."- masaya kong sabi sakanya.

"Wait lang Tahari, may kasama ako." natatawa niyang sabi na para bang nasisiyahan siya sa mangyayari.

Kala ko ba joke lang? Handa na ba ako makita siya? Bakit imbis galit ang maramdaman ko bakit parang ang saya ko pa.

Siya lang ang lalaki nagpabilis ng tibok ng puso ko sa mahabang panahon. Marinig ko lang pangalan niya nagiging masaya nako. Somehow, nagagalit dahil sa ginawa niya sakin.

"Ung nasa isip mo! siya nga, di ako nagbibiro kasama ko siya. may binili lang siya na gamit para sa bike niya." -wika pa ni kuya ng bigla ako napahinto.

"Kala ko ba hindi mo siya kasama? Bakit kasama mo siya? Di pa ako ready makita siya" di mapakaling sabi ko kay kuya seth.

Natatakot ako na kapag nakita ko siya bumalik lahat.

Baka di ko mapigilan..
baka mahalin ko siya ulit..
baka masaktan ulit ako..
alam kong kakabreak lang niya sa girlfriend niya, Si kuya seth mismo ang nagkwento sakin.

nang marinig ko yun ang saya saya ko. parang gusto ko magdiwang that time pati mga kaibigan ko, nagtataka sakin kasi ako lang daw masaya sa may Jowang nagbebreak.

Bakit hindi ako magiging masaya sa taong hinintay ko ng five years?
Hindi ako nagboboyfriend because of him. Dahil willing ako maghintay kahit gaano katagal pero ngayong makikita ko siyang muli, ganun parin ba ang magmamahal ko sakanya o nagbago na? Oo, sobrang saya ko na wala na sila ng girlfriend niya kasi matagal kong pinagpray na sana magbreak sila.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now