Chapter 25: My Girl.

Start from the beginning
                                    

SANA GANYAN TALAGA YUNG NANGYARE.

Sana biro lang ang lahat. . .

“ Ano gagawin natin?” tanong ni Jenny.

Nandito ako ngayon sa labas ng CR. . . Si Jenny nakasuot na ng dress niya.

Ang problema punit punit yung dress.

Kita ko sa kanilang dalawa na problemado talaga sila. Lalo na si Athena.

“Wala na ba tayong magagawa diyan?” tanong ko at tumngin ako kay Athena.

“I don’t know.” Mahinang sabi ni Athena.

Tumngin ako doon sa damit. Sira-sira talaga may part pa nga na parang sinunog tapos yung sleeves ng damit sira din. Pati nga daw yung sapatos ni Jenny sira. Buti na lang may extra pa si Athena kaya wala ng problema sa sapatos.

“No.2!” narinig kong sabi ng MC.

Paktay tayo diyan! Malapit na talaga kami.

“Malapit na tayo.. Number 4 tayo” sabi ko kay Jenny.

Tumngin siya sa akin. Kita ko sa mata niya kung gaano siya kalungkot sa nangyari.

“Ikaw na lang yung lumabas..”  nagulat ako sa sinabi niya.

“Hindi ! Tayong dalawa ang lalabas kahit anong mangyari. COUPLE nga di ba? Ano yan? Girlfriend ko sarili ko?” sabi ko naman sa kanya.

“Wala na tayong magagawa! Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito yung suot ko!Sasabihin nila ikaw yung mayaman at ako ang mahirap! Pulubi lang?” tumngin siya sa akin, namumuo na yung luha niya.

Pumasok ako kasi nasa pintuan lang ako.

Hinawakan ko siya balikat niya.

“Tama na.. “ sa pagbaba ng kamay ko nahigit ko yung sleeves ng damit.

I Love You, Ms.Panget (:Where stories live. Discover now