Chapter 4: Selos Mode

5.5K 108 8
                                    

POV> MARK KAISER ANDERSON 

(Vacant...)

"Tol bilisan mo! Susunduin ko pa si Odette sa room nila.Takte Tol bagal" tagal maglocker ng Julian na to.

"Ano ba meron? Parang close kayo ah" sabi naman nya.

"Oo kaya kahapon lang.. hindi ko ba nasabi sa'yo? Teka text ko lang sya" kinuha ko yung cellphone ko at nagtext sa kanya.

"Wag mong sabihi--" pinutol ko siya

"Oo kasama natin siya kumain." sabi ko ng hindi man lang inaalis yung tingin sa cellphone ko. 

"Teng-ene naman Tol! Wala namang ganyanan. Alam mo nama--" pinutol ko ulit. Napakabastos ko eh xD 

"Wag kang mag-alala Tol" tapos tinapik ko yung balikat nya. 

Wala naman kasi syang dapat ipag-alala kasi. . .

POV> RENEE MARY FAHEY

Kyaaaaaaaaaaahhh! Ako na kinikilig! Naalala ko pa rin yung ginawa ni Calix kanina.

First time nyang magtaas ng boses at sa babae pa talaga para lang sa akin xD

Naks! Napapatunayan ko na talaga na sya ang THE ONE. Haha! Landeee! 

"Renee" lumingon ako sa tumawag.

"Calix.. yung tungkol pala kanina.. ano.. salamat ah" nakangiting sabi ko.

"Ayiiieeeeee!" pang-aasar ni Besh. Talaga naman! 

"Tumigil ka nga jan, bilisan mo mag-ayos" sabi ko naman. 

Kami na lang dito eh. Vacant na kasi nagsialisan na yung ibang students kaming tatlo na lang dito. Antagal kasi mag-ayos ng gamit tong babaitang to eh. 

"Haha! Okay lang yun basta para sayo" sabi ni Calix.

"Aw! Sa kanya lang?" biglang singit ni Besh =_____=

"Sige na nga pati na sa'yo" Haha! Mukhang napilitan si Calix. 

"Saan kaya ako makakahanap ng katulad mo Calix?May mabibili ba jan sa bangketa?" pabirong sabi ni Besh. 

Napaka Isip bata talaga nya. At ang wild nya ngayon ah. 

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon