Chapter 31: Mr. Cute vs. Mr. Right

3.8K 77 31
                                    

A/N: Dedicated kay @ILove2pm kasi natawa ako sa sinabi nya xD Nagwawala talaga siya. Ahoho :)) Sana maging magkaibigan tayo.. pareho naman tayong HOTTEST eh :)) Haha!

***

POV> JENNY CIENNE ANDERS

Pagkalabas ko ng room ay tumakbo ako kaagad. Gusto kong makalayo sa kwartong yun.

Napatigil ako sa isang corridor at napasandal sa isang dingding.

Hawak ko sa kanang kamay ko yung  tatlong roses na binigay sa akin ni Mark.

Habang tinitignan ko yun may pumatak na tubig sa kanang kamay ko.

Tubig na galing sa mga mata ko.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.

“Ano ba Jenny?” bulong ko sa sarili ko at agad na pinunsan yung luha ko.

Bakit ba ako naiiyak?

Bakit ako nanghihinayang?

Nang mahimasmasan ay nagpatuloy akong maglakad.

“Jenny!” napatingin ako doon sa nagsalita.

Si Klein tumatakbo papalapit sa akin.

“Klein..” tumungo ako.

Inangat naman niya ang ulo ko at pinunsan yung luha ko.

“Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?” sunod sunod na tanong niya.

Tumingin ako sa mga mata niya at umiling “Wala. Wag mo akong alalahanin. Ayos lang ako” ngumiti ako sa kanya.

Niyakap niya ako. Sa pagyakap niya lalo akong napapaiyak.

“Iiyak mo lang. Nandito ako para maging tissue mo.” Gaya ng sabi niya ay  nagtuloy-tuloy ang luha ko.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. . .

Bakit ba ako naiiyak ng ganito?

“Ano bang nangyare?” kumalas sa yakap si Klein at hinawakan ako sa dalawa kong pisngi.

Napatingin si Klein sa kanang kamay ko kung saan ko hawak yung roses.

“Ka-Kanino ga-galing yan?” tumngin ako sa mga mata ni Klein na may pagtataka.

Ano sasabihin ko? Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa kanya.

“Kay. . . “ hindi ko matuloy yung sasabihin ko.

Baka magalit si Klein.

“Kay?” tanong sa akin ni Klein.

“Kay..” hindi ko alam kung bakit ayaw lumabas ng ‘Mark’ sa bibig ko.

“Kay Kaiser?” napatingin ako kay Klein na ngayon ay nakangiti.

“Um..Oo” at tumungo ulit ako.

“Galit ka?” agad ko namang tanong.

Hinawakan niya ako sa kamay “Bakit naman ako magagalit? Alam ko namang nandito ka na” dinala niya yung kamay ko sa dibdib niya kung nasaan yung puso niya.

“May tiwala ako sa’yo Jenny.” Tumngin siya sa mga  mata ko at napangiti naman ako.

POV> MARK KAISER ANDERSON

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon