Chapter 18: Welcome Ms.Pretty!

4.5K 102 18
                                    

POV> JENNY CIENNE ANDERS

 


(Monday. . .)

(6:08 a.m) 

Naninibago talaga ako sa bago kong itsura. . .

Ako ba talaga to ? xD 

Ang daming pagbabago..

Ibang buhok, ibang pananamit, ibang itsura, ibang kilos, ibang iba sa dating ako.

Ngayon natutunan ko narin maging concern sa istura ko na dati hindi ko naman talaga ginagawa. 

Magsuklay, maglotion, magayos kahit papaano. Sobrang ULTIMATE MAKEOVER xD 

Minsan nga pagnapapatingin ako sa salamin nagugulat ako xD Haha! 

Hindi ko rin aakalain na magiging ganito ako. 

*Tok Tok* 

Napatingin ako sa may pintuan.

"Bunso.." si Kuya lang pala.

"Oh Kuya! Bakit? Aalis na tayo?" tumayo ako tapos kinuha yung bag ko. 

"Hindi pa...Sobra.. Ang laki ng pagbabago mo. Para kang nasasapian" tuluyan  ng pumasok si Kuya

Kinuha ko naman yung unan na nasa kama ko binato sa kanya "Kuya namaaaan!

Kaso nga lang mabilis masyado si kuya kaya nasambot niya. 

"Hahaha! Joke lang.." naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa may kama ko. 

Ako naman tumabi lang sa kanya.

"Alam mo ba Jenny.." nagsimulang magsalita si Kuya

"Hindi, hindi ko pa alam" pagbibirong sabi ko.

"Makinig ka! Nagpapayo yung tao eh." nagpakap naman ako sa unan.

"Oo na.. makikinig naman ako. Charot yun eh" sabi ko.

Umayos naman ng upo si Kuya at ako naman lumapit ng bahagya.

Hinawakan ako ni Kuya sa ulo papuntang bangs ko. Yeah may bangs narin ako xD

"Para--Para kang aso.." seryosong sabi ni Kuya

"Naaaamaaan! Kuyaaaa! Ehhhh!" pinaulan ko naman siya ng palo.

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon